Kapag binasa mo po ang FRIENDS meaning friends na po tayo kahit reader ka po ha?
Wala na po kasi akong kaibigan after kong makipagkaibigan sa isang babae ehh. Nangyari ang lahat nung 4th year ako at nasa last 2 weeks na lang ang klase at maggragraduate na ako.
"Bro pwede mo'kong samahan dun sa rooftop? Andun kasi yung ibang upuan na gagamitin sa graduation ehh"
Pumayag naman ako. Kilala kasi ako sa pagiging matulungin sa school namin. Approachable kasi ako dahil na rin siguro ka pagiging SSG President ko.
Naglalakad kami sa corridor nung nagive way kami sa isang babaeng pinagtutulungan nilang buhatin. Syempre dahil President ako ehh kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari. Kaya tinanong ko ang isang estudyante. Ang sabi niya:
"Kasama po kami sa Rooftop nung nahimatay po siya ehh. Sabi niya daw kinakabahan daw siya. Namutla nga siya ehh tsaka ayun bumagsak"
Tsaka siya umalis. Pupunta na sana ako kaso bigla akong iniwan ng kasama ko. Siguro natatakot yun? Kilala ko lang siya kaya ko yun nasabi.
Andami talagang weird na nangyayari sa school na to. last 3 years lang nagsimula ang lahat nung namatay ang isang estudyante dahil 3 beses na siyang repeater at siguro sa sobrang depression, pati na rin ng mga problema siguro sa pamilya nila kaya siya nagkaganun. Di ko siya kilala ha? Pero nakwento lang sakin. Pero sabi sabi lang yun at alam kong di yun totoo.
Pagdating ko dun ehh binuksan ko agad yung Stock Room kung saan nakatambak yung mga upuan, May susi kasing binigay saken kaya di na ako mahihirapan sa pagbubukas. Isa isa ko silang inilabas. Nakapatong naman sila ehh kaya di na ako nahirapan. Siguro pag nailabas ko na lahat ng upuan ehh magtatawag na lang ako sa baba para may tumulong sakin dito.
"Eto last na to!" Tsaka ko hinila.
Pero parang may pumipigil sa paghila ko. Tinignan ko sa likuran. Isa yung babaeng nakauniform din namin. Mahaba ang buhok kaya di ko makita ang mukha niya.
"Uhh miss pwede wag mong hawakan yung upuan? Kailangan kasi namin ehh"
Tinignan niya ako. Ang itim ng mga mata niya at ang ganda pa! Nilahad niya ang dalawa niyang kamay na nagsasabing gusto niyang tumayo. Tinayo ko siya tsaka ko hinila papalabas. Hinila ko na rin yung huling pile ng upuan tsaka nilock ang Stock Room.
Nilingon ko yung babae. Nakayuko lang siya. Aalis na sana ako para magtawag kaso hinila niya yung polo ko. Dun na ako nilamigan, Kinabahan at ninerbyos. Ewan ko ba kung bakit ganito ang feeling ko. Mas lalo akong nangatog nung nagsalita siya.
"Wag mo'kong iwan"
Lumakas ang ihip ng hangin. Halos magyelo ako sa nararamdaman ko sa babaeng to.
"D-dyan ka lang ha? Magtatawag lang ako ng magbubuhat neto" Tsaka ako bumaba. Nagtawag na ako ng ibang students at ayun tinulungan nila akong magbuhat.
Di ko na pinansin yung babae. Nawala na lang bigla. Nakahinga ako ng maluwag nun! Tsaka naging maganda ang pakiramdam ko.
Pagkatapos nung buong araw ng practice namin sa graduation ehh nagbihis muna ako. Tsaka lumabas. Paglabas ko nabigla ako kung sino din yung lumabas sa C.R. na pinagbihisan ko. Yung babae kanina. Na-Nakita kaya niya?
"Na-nakita mo?" Pagtatanong ko.
"Alin?" Sabi niya habang nakayuko pa din.
Haay! Buti na lang. Umihi na din kasi ako ehh! Baka nakita yung ano. Ahh basta! Naglalakad na ako pauwi nung naramdaman ko na naman yung parang babaligtad yung sikmura ko. Paglingon ko yng babae na naman. Nakabuntot sya sa akin hanggang paglabas ko. Napatigil lang ako sa isang lumang bahay na lagi kong nadadaanan pag-uwi.
"Uuwi na ako! Wag ka nang sumunod! Saan ba talaga bahay mo?" Pagtatanong ko.
"Wala akong bahay" Malungkot na sabi niya.
"Okey iiwan na kita dito ha? Aalis na ako! Kung wala kang bahay. Tambay ka na lang diyan! Wala namang tao dyan ehh" Tsaka ako kumaripas ng takbo.
Kinabukasan ehh sinusundan na naman ako nung babae. Araw araw ganun pa rin siya! Nakabuntot lagi. Sa mga araw na nakabuntot siya ehh unti unting gumagaan na ang loob ko sa kanya. Hanggang sa close naging na kami at lagi pa kaming nag-uusap. Pero ayaw niyang pag-usapan ang pamilya niya. May galit ata siya dun ehh. Bigla na lang kasi siya nagdadabog. Nung sinabo kong anong year na siya ehh mas lalo siyang nagalit. Kaya di ko na ulit yun tatanungin.
"Uhh Pro?" Nakayuko pa din siya. Ganyan kasi siya pag naguusap kami.
"Tignan mo naman ako" Unti unti niyang inangat ang ulo niya at nakita ko kung gaano siya kaganda. Kung gaano siya kaputi at kakinis ng mukha. Maaliwalas kumbaga.
"Can we be FRIENDS?" Nagtaka naman ako.
"Huh? Diba friends na tayo?" Sabi ko.
"Gusto ko lang iconfirm" Sabay lahad ng kamay niya.
"Okey. Friends na tayo" Tsaka ako nakipaghand shake.
After nun ehh lumakas ang ihip ng hangin. Kinabahan na naman ako ulit. Natutuyo na naman yung lalamunan ko at babaligtad na rin yung sikmura ko. Naramdaman siguro yun ni Annie yung babae tsaka niya ako inihatid sa bahay. Pero bago ako pumasok. Nginitian niya ako. Dahil dun nanghina ako at nawalan ng malay.
Kinabukasan ehh maganda na ag pakiramdam ko. Masarap yung feeling. Ewan ko ba kung bakit basta pumasok ako sa school na ganun ang pakiramdam. Siguro ganito pag may Crush! Siguro Crush ko na si Annie! Crush ko na siya nung ngumiti siya. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko yun.
Papasok sana ako sa room kaso may biglang humawak ng kamay ko. At si Annie yun. Hinawakan niya ako. Ang init niya!
"Teka Annie may lagnat ka ba? Ang init mo kasi!"
Pero hinila na lang niya ako hanggang sa nakarating kami sa RoofTop. Binuksan niya ang Stock Room tsaka ako tinulak papasok. Nagtaka naman ako sa kanya nun.
"Annie teka ano ba!" Tsaka niya ako tinulak nang malakas kaya napaupo ako sa loob.
![](https://img.wattpad.com/cover/14276297-288-kd94bc6.jpg)
BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
Ngẫu nhiênThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover