"Ayoko na dito! Aalis na lang ako. Wala namang bumibisita sakin ehh"
Nakakalungkot mang isipin pero para sa isang 7 year old na batang lalaking katulad ko ehh di na binibisita ng nanay niya. Baka di na ako mahal ng nanay, Laging ganyan ang iniisip ko pero siguro busy lang yun. Bumangon ako sa isang hospital bed at naglakad sa corridors ng ospital.
"Hmmm andaming tao."
Andami talaga kasi ehh especially yung naputukan ng mga paputok since holidays na rin ehh. Haay! Mga tao nga naman! Ang titigas ng mga ulo!
Mabuti pa yung ibang naputukan. Kasama nila yung mga nanay at tatay nila. Di sila pinabayaan sa ganitong sitwasyon kumpara saken. Siguro kinalimutan na nila ako.
Hinanap ko yung elevator. Siguro aalis na lang ako at baka may umampon pa sakin. Pero di ko makita ehh. Di kasi ako pamilyar sa mga ospital ehh lalo na't busy ang mga tao ngayon! Kaya siguro di nila ako napapansin.
"Announcement! patient 109 is gone. Pumunta na po ang lahat ng kakilala niya sa kwarto."
Tinignan ko yung number ko. Yung nilagay sa kamay kong bracelet na red na may nakalagay na numero. Hmmm Word lang yung nakalagay dito tsaka number. Di pa ako marunong magbasa at magcount kaya Nevermind! Naglakad ako pababa ng stairs baka kasi may elevator dito.
Nakababa na ako sa second floor nang biglang may tumatakbo mula sa likuran ko at pumunta siya dun sa Nurse desk.
"Ah nurse. Baka may nakita kang naglilipat ng patay dito? Kinuha kasi yung namatay na si Patient 109 sa kwarto niya at sa iba pang patay sa Morgue! Nawala lahat ang patay dun Nurse!" Nilagpasan ko sila.
"Ahh ehh sir wala namang dumadaan dito na taga Morgue ehh! Mga pasyente lang yung nakita ko Doc tsaka mga nurse" Narinig kong sabi.
"Ahh salamat" Ayun yung elevator!

BINABASA MO ANG
The Last Five Standing (Summer Battle of 2014)
RandomThis is the Summer Writing Contest of the Year! JOIN NOW! Credits to @magandangbabaeinsideandout for the cover