<pre class="commentbubble reverse" style="width: 419px;">
Bakit ganito ang aking nadarama?
Nadaramang tila ako'y sobrang saya,
Sayang dulot ng ika'y aking makita,
Makita sa personal at makilala.
Makilalang lubusan aking hangarin,
Hangaring huwag mo sanang bibiguin,
Pagkabigong huwag ko sanang abutin,
Abutin sa iyo kung mamarapatin.
Marapating sana'y aking maranasan,
Maranasan ang pag-ibig na lubusan,
Lubusang pagmamahal sana ay buksan,
Buksan ang pusong ikaw ang kalakasan.</pre>
![](https://img.wattpad.com/cover/14129518-288-k899667.jpg)
BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poetryito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!