R2: ENTRY #3

397 2 1
                                    

Sila

Mga taong lakas ang naging puhunan

 Tatag nila'y sinubukan ng tadhana

 Gabi'y naging araw para sa pamilya

 Nangangarap ng isang kaginhawaan

 Kasinglawak man ng dagat ang suungin

 Kasingtaas man ng bundok ang akyatin

 Kakayanin nila anumang mangyari

 Tibay nila ay tila hindi mawari

 Sila ay nagsilbi sa sariling bansa

 At nagsakripisyo para sa pamilya

Ano nga bang tayo nila sa lipunan?

 Sila ba talaga'y pinahalagahan?

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon