Pusong Huwad
Wari ay isang salamin ng kalungkutan
Puso’y tinago sa mundo ng kadiliman
Pilit hinanap ang sarili sa kawalan
Naging manhid sa isang kasinungalingan
Hindi mo maisip kung ano ang nawala
Katauhang unti-unti nang nasisira
Ngiti ang sukli sa bawat kapirasong luha
Mga matang napapagod at nangungulila
Halakhak ma’y tila huwad na ‘yong taglay
Perpektong nilalang na walang kapantay
Itinagong pag-ibig ay handang ialay
Nabalot man ng kadiliman ang ‘yong buhay
Iniibig ang pusong manhid kung ituring
Hangad ay kasiyahan sa kanyang piling
Isang talunan na may natatanging hiling
Makatulog sa pagsisisi nang mahimbing
Ibalot man ng huwad ang katotohanan
Puso’y titibok, hindi mo kayang pigilan
Dahil minsan ka ng nabigo at nasaktan
Pilit ikinaila ang ‘sang nararamdaman
BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poesiaito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!