ENTRY #11

538 7 7
                                    

Mahal ka parin Nila

Ang mga magulang ko, mo, niya, at nila

Ay may mga pangarap sa kanilang mga bata

Ay may pagmamahal na minsa'y di maipakita

Kahit baliktarin ang mundo, Sila parin si Mama't Papa

Pinapagalitan ka nila kung may maling nagawa,

Naiinis ka naman at nagpadabog-dabog ng paa

Minsan nga'y sumasagot ka pa sa kanila

Sa mga oras na hindi mo na talaga kaya

Pero naiisip mo ba kung ano ang gusto nila?

Naiisip mo ba kung ano ang ipinapahiwatig ni Mama?

Naiisip mo ba kung ano ang ipinapaabot ni Papa?

Diba, Minsan, Hindi na dahil Inis na ang naipapakita?

Gusto lang nila na tayo'y matuto, gumaling sa mga gawa,

At kung iyo namang sisikapin at ipapakita sa kanilang mga mata

Ang iyong pagsunod, ay isang kagalakan sa kanilang nakikita

Di mo man alam, pero sa loob ay sila'y tumatawa na

Oo, wala akong karapatan na magsabi ng ganito, diba?

Oo, di ko alam ang iyong storya kung bakit ganyan ka

Pero, isip-isipin mo muna, kung gaano ang sakripisyo nila

Sila parin si Mama't si Papa, habang-buhay na minamahal ka

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon