R4: ENTRY #1

526 27 17
                                    

Luha ni Mama

 I

Siya'y malakas at matapang na tao.

 Nagpipilit na malakas kahit hindi.

Gusto niyang maging ganito para sayo.

 Ang pagmamahal nya'y ganito ka-tindi.

 II

Minsan mo lang makita ang kanyang luha.

Bawat patak ay may sariling dahilan.

Baka Sobrang tawa o Sobrang problema.

 O kundi, Baka sobra ring kalungkutan.

 III

May iba't ibang kwento sa likod nito.

May Masaya't malungkot na karanasan.

May nakakaiwan ng sakit sa puso.

Tulad ng mapapait na kabiguan.

 IV

May mga salita lang na di masabi.

Kaya siya ay tahimik na umiiyak.

 Kaya nakakatulong kung nasa tabi,

Kasi, siya si Mama't ikaw ang anak.

 V

Salamat Inay sa iyong pagtitiis

Alam kong masakit pero, Bakit nga ba?

'Kaw ba'y natusok ng kutsilyong matulis?

Ano bang ibig sabihin ng 'yong luha?

 VI

 Gusto ko mang malaman, Marami ata?

 Di mabibilang gamit ang mga kamay.

 Di maikumpara sa buhok ng bata.

Anu-ano ba ito? Sabihin mo Inay.

 VI

Naguguluhan na ako sa 'yong luha.

Siguro ito'y may iba't ibang kwento.

Ang bawat patak ay may sariling tula.

Basta mahal kita Mama, Tandaan mo

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon