ENTRY # 2

925 14 18
                                    

UHAW

Tunay na ako’y isang gahaman.

Sinasamba pati kayamanan.

Walang pakialam kanino man.

Kahit na sila’y mapatay ko man.

Sabi nila ako’y walang puso.

Di ko mapigilang mapatango.

Totoo na ako’y walang puso,

Maging kaluluwa’y wala ako.

Kagustuhan ko’ng gawin ang lahat!

Di man makatarungan sa lahat.

Malabnos man yaring mga balat

O isumpa man ako ng lahat.

Nasabi ko sa bandang unahan

Na ako ay tunay na gahaman

Uhaw na uhaw sa kayamanan,

Maging sa tawag ng kasikatan.

Sariwa pa rin sa’king isipan

'Di kailanman makakalimutan

Ang kagalaka’ng noo’y nakamtan,

Na mayro’n naman palang hangganan.

Ako ay labis na nalilito,

Tila pinupukpok yaring ulo.

Bakit di magawang makuntento?

Sa mga bagay na 'king nakamit,

Na sa kanila'y nagpapainggit,

At nakapagdudulot ng sakit.

--

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon