Martir
Mahal mo siya
Mahal naman kita
Para sa'yo, kapatid ako
Pero sa akin, ikaw ang mundo ko
Bawat ngiti sa labi mo
Walang katumbas na saya sa puso ko
Ngunit bawat patak ng luha mo
Dobleng sakit sa puso ko
Palagi akong nasa tabi mo
Lahat ng oras ko nasa iyo
Palagi kang pinapatawa
Lalo na kapag malungkot ka
Lahat sila naaawa na
Hanggang kailan ako magiging tanga
Sabi nila "Tumigil ka na"
"Para sa sarili mo, maawa ka"
Ngunit nandito pa rin ako
Patuloy na naghihintay sa iyo
Hinihiling na mahalin mo na
Dahil sobrang sakit na
BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poetryito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!