R3: ENTRY #4

349 6 28
                                    

Magdadalaga Po Si Lola

Sa pagtuklas nitong bagong simula,

Batid natatangi’t nag-iisang diwa,

Karangalan, ang mundo’y makita,

Pag-ibig at dunong na inilathala.

Ika’y prinsesang pakaiingatan ko,

Kahit paminsan dinadaga ang puso,

Hahamakin, liko-likon gdaan patungo

Sa kabihasnan at rurok nitong mundo.

Ika’y tinig na s’yang nauulinigan,

Alapaap na nais laging makamtan,

Samyo ng rosas sa ‘king kalangitan,

At ‘sang gunita na di malilimutan.

Pagbubukang-liwayway, pag-gising mo

Ako naman ang mag-aalaga sa ‘yo,

Binigay mo’ng lahat, mapangiti lang ako,

Ikaw naman, hahalik sa ‘yong mga apo.

Salamat sa pakikinig sa‘king mga salita,

Kahit minsan ma’y walang mga kwenta

At bukas ikaw nama’y magkakaapo na,

 Aba! Marahil inay ika’y magdadalaga!

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon