R2: ENTRY #5

454 22 13
                                    

Taas Noo

Hindi atubali ang nararamdaman

Katawan ma’y bugbog at nahihirapan

Dugo at pawis man ang kanyang puhunan

Kasipagan ang kanyang naging panlaban

Sa labanan, puso ang kanyang sandata

Inukit sa hangin ang bawat salita

Gagawin ang lahat para sa pamilya

Tuparin ang pangarap; maging dakila

Hinulma sa apoy ang determinasyon

Hindi hadlang ang mahirap na sitwasyon

Nakalimutan ang sariling emosyon

Ikaw sa iba’y nagiging inspirasyon

Maging nurse, pulis, o isang abogado

Kahit sino na handang magsakripisyo

Oras na ginugugol ay pawang ginto

Makamit ang mithiin at h’wag maglaho

Patawan man ng buwis ay kaya pa rin

Bawat sentimo ay di palalampasin

Sa pang-araw-araw ay may makakain

At mayr’ong tubig sa tuwing uuhawin

Karangalan ay hindi dapat ikahiya

Trabahong marangal, dapat ikatuwa

Makabagong bayani sa buong bansa

Taas noo, mabuhay ang manggagawa!

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon