R3: ENTRY #5

337 9 1
                                    

Salamat Aking Ina

Ordinaryong ina kung iyong pagmamasdan,

Ngunit dakila at bukal naman ang kalooban,

Lahat gagawin upang mapatunayan,

Ang pagmamahal niya'y walang kapantay kaninuman.

Siya'y tila ilaw sa aming bahay,

Lungkot kong nadarama'y binibigyan niya ng buhay,

Magkamali ako'y andyan ang kanyang paggabay,

Sa madilim kong daan siya ang patnubay.

Siya'y animo isang talaarawan,

Mga lihim ko'y kanyang iniingatan,

Mga problema ko'y napapagaan,

Laging nandyan at hindi ako iniiwan.

Hindi ko man maipakita sa aking mga gawa,

Hindi ko man maiusal sa bawat salita,

Idadaan ko na lang ang mensahe sa simpleng tula,

Salamat ina sa lahat ng iyong mga ginawa.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon