R4: ENTRY #4

388 15 13
                                    

Sa Likod ng Luha

I

Kapag ang isang tao ay umiibig,

Mundo'y nag-iiba pati ang paligid,

Puso niya'y bumibilis sa pag pintig,

Kung minsan ay nagiging sakim at ganid.

II

Kapag ang tao ay nasaktan ng labis,

Mundo'y nagbabago madalas ay galit,

Puso'y nagdurusa at naghihinagpis,

Kung minsa'y pagkamuhi ang sinasapit.

III

Hindi lahat ng peklat ay makikita,

Hindi lahat ng sugat ay nagagamot,

Hindi lahat ng halakhak ay masaya,

Hindi lahat ng luha ay nalilimot.

IV

Bawat patak ng luha ay may dahilan,

Dahilang mababaw o kaya malalim,

Dahilang labag naman sa kalooban,

Dahilang minsan hindi kayang maatim.

V

Bawat patak ng luha ay may katwiran,

Katwirang masaya o kaya malungkot,

Katwirang mabuti o may kasamaan,

Katwirang totoo o kaya baluktot.

VI

Bawat patak ng luha ay may salita,

Salitang hindi nabibigyan ng pansin,

Salitang minsan nagbibigay ng saya,

Salitang kumukubli sa bawat gawin.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon