Tinta sa Langit
I
Sa bawat pagpatak ng mga luha ko,
Katumbas ay ang mga tala sa langit.
Mga kulay mo ay hindi maanino,
Nasaan ba ang pag-asa na nasambit?
II
Parang mga lumang larawan sa mesa,
Nagugunita sa tuwing nahahagkan.
Ngunit isa na lamang 'tong mga tala,
Na kailanman 'di na mahahawakan.
III
Patuloy sa pagpatak ang mga luha,
Mga mantsa ay naiiwan sa papel.
Nabubuo masasayang ala-ala,
Sa tabi'y mananatiling mga anghel.
IV
Kaya at sa pagtibok ng aking puso,
Himig sa aking dibdib ang naririnig.
Ang himig ng mga hangin sa liriko,
Tinta sa langit siya ang iniibig.
V
Mistulang isang bahaghari sa buwan,
Na tanging ako lang ang nakakatanaw.
Ang mga hele mo'y kay sarap pakinggan,
Liwanag ng luha mo'y daig pa ang ilaw.
VI
Luha't libong mga tala ang salita,
Sa aking papel na mistulang 'sang langit.
Asahan mong ikaw ay 'di mawawala,
Sa 'king pagpikit may ngiting naka-guhit.
BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poetryito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!