R2: ENTRY #7

329 5 1
                                    

Dakilang Manggagawa

Empleyadong maghapong batak sa gawain,

Gawaing kanilang pinagbubutihang tapusin,

Matapos ng mabilis kanilang mithiin,

Mithiing makauwi sa pamilyang labis kung ibigin.

Bigat ng kanilang pasanin ay isinasantabi,

Sakripisyo sa maghapon kanilang natitimpi,

Pagod na nararamdaman kanilang winawaksi,

Pawis na dumadaloy ay nais mapawi.

Manggagawang nagpapaunlad ng ating lipunan,

Lipunang atin ngayong kinasasadlakan,

Kaya dapat natin silang lubos na pasalamatan,

Pasasalamat na bukal sa ating puso't isipan.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon