R3: ENTRY #3

343 7 3
                                    

"Nang Maging Malambot ang Bato"

Hindi ko na alam kung saan magsisimula,

Binaon sa sarili ang salitang pag-asa.

Pag-asang kung saan ako'y nakakapit,

Isa akong talang nahulog na sa langit.

Para saan pa ang buhay?

Kung ang pakpak ay wala ng saysay.

Para saan pa ang salitang patawad?

Kung ang magbibigkas nito'y isang huwad.

Ilang beses nang nanggago,

'Di mabilang na basag na baso.

Mga sugat na natamo,

Ilan pa bang maaanghang na bato ang gusto mo?

Pero bakit ang sakit?

Para akong tinutusok ng mga tinik.

'Pag ikaw ay gustong lapitan,

Hindi kita kayang hawakan.

Para akong nilulusaw ng iyong mga luha,

Kapag ito'y aking nakikita.

Ako'y nagiging malambot na bato,

Hindi ko makuha ang punto.

Patawad aking langit,

Kahit hindi alam ang mga salitang nasambit.

Patawad sa aking nagawa,

Kahit lubos na iyong sakit na nadarama.

Ilang beses mo na akong pinulot,

Kahit isa nang basag na baso at pilit binabalot.

Isa akong bato,

At matigas itong aking ulo.

Ngunit kahit gaano pa man kasakit,

Iyo pa ring pinipilit.

Wala akong magawa,

Mga talon ay lumuluha.

Ito na ba ang oras,

Dapat na ba akong magwakas?

Ngunit hindi ko pa nasasabi,

Binubulong nitong aking budhi.

Hindi ko alam kung saan magsisimula,

Hindi makuha ang tamang timpla.

Pangit sa panlasa,

Paano ba ang tamang salita?

Patawad sa aking nagawa,

Kulang naman ako sa gawa.

Puro ako salita,

Wala naman itong kwenta.

Nagkulang ako,

Naging basag-ulo.

Lagi kayong may bukambibig,

Pangaral pala iyon 'di ako nakinig.

Salamat sa liwanag aking langit,

Ngayon at noong ako pa ay maliit.

Salamat sa iyong pag-alalay,

Kahit nagpumilit na akong huwag nang magkasaklay.

Maraming salamat sa lahat,

Sa pagmamahal at sa iyong kamay na inilahad.

Patawad aking ina,

Gusto pa kitang makasama.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon