ENTRY #4

774 13 16
                                    

Lantang Dahon

Nakikita mo ba,

Mga lantang dahon sa kalsada?

Napapansin mo ba,

Mga dahong nakabilad sa araw?

Nakatiwakal ang limos na buhay

Sa bawat ihip ng hangin,

Batid ang kahirapan, kalungkutan

Na ipinagkait ng tadhana.

Nakikita mo ba sila?

Galing sa puno na makapangyarihan

Nalanta’t pinabayaan na lamang.

Parewara, ni di na alam ang gagawin,

At alikabok ang kanilang tanging salamin.

Tinatapak-tapakan, ikinahihiya,

Kailan na lamang nilang tanggapin ito

Sapagkat di mo sila nakikita.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon