R2: ENTRY #1

479 5 7
                                    

Fe, Noy

Dunong na ‘yong pilit na ikinukubli,

mahahapding pawis na

dumadaloy sa ‘yong pisngi,

hapdi ng tiyang walang almusal,

kayod-kalabaw upang bukas na lamang

baka may makaing asukal.

Sampung pisos na umento

sa sahod ang hinihingi,

dagdag pambili sana ng bigas at galunggong,

at sa otso pisos na pamasahe,

subalit diwa mong umibig sa buhay,

kaya tinitipid na lamang ang asin at betsin;

batid ang nanginginig na kamay.

Bagkus, may liwanag sa gitna ng karimlan,

marapat lang na ika’y dakilain at itanghal,

sa pagsanib sa ‘yong sarili sa pabrika

o sa pagtayo ng edipisyo’y ‘sang dangal,

di alintana ang paglipas ng taon

sa mga paang walang dantay;

hihinto rin ang pag-ikot ng mundong

 ginagisnan ‘pag namatay.

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon