Aking Mangkukulam
Sa init ng iyong yakap ako ay tila naninibago,
Itong sukli mo sa aking malamig na pakikitungo.
Sa kakaibang sensasyon sa tuwina’y binibigay mo,
Nakalimutan mo marahil ang aking pagkatao.
Para kang anghel na nagkukunwaring mangkukulam,
Pumasok sa mundo ng halimaw na kinatatakutan.
Nakita mo ang mga mata kong nababalot ng kalungkutan,
Sa liwanag ng buwan, ang puso ko’y naguguluhan.
Anong klaseng gayuma ba ang binigay mo sa akin,
At ang paglisan sa iyo’y di ko man lang maatim?
Kinakaya mo ang lahat kapag ako’y naninimdim,
At ang mga sugat mo’y pilit mo lang kinikimkim.
Parang tusok ng karayom ang iyong mga salita,
Tumatagos, kumikirot, bumabalik ang aking diwa.
Tamis ng ‘yong halik ay tila lason sa aking pandama,
Unti-unti binubuhay ang inakala kong patay na.
Sa mundo kong napupuno ng pait at pagdurusa,
Salamat sa hindi pagbibitaw at sobrang pagtitiwala.
Nagbabago ang pananaw dahil sa ‘yong pagsinta,
Oh aking mangkukulam, ika’y bukod tangi at naiiba.
BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poesíaito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!