Mensahe mula sa mga Kalahok

546 5 2
                                    

Mensahe mula sa mga Kalahok

 I

         Naipalabas ko through message kung gaano ka ka thankful sa tatlong tao na walang tigil sa pagmahal, pagsuporta, paggabay, pagsama, pagpatawa, at pagturo sa akin. So sobrang thankful ko, di ko lahat maisabi sa kanila. Throughout poems, naipalabas ko ng konti. Kung gaano ako ka-thankful at kaswerte na andiyan sila sa akin, di lang yan maipalabas sa poems. Go leave that gadget and hug them. Kiss and Thank them, Kahit ordinary day lang. Ewan, ang gulo ko na. Haha. Sa mga aspiring poets diyan. Just let your emotion flow. Find the right words. And enjoy.

*** -mradik

II

Tinig ni Kyrian18:

Unang-una sa lahat, ito ang pinaka-unang sali ko sa mga ganitong klaseng patimpalak na tagalog. Kahit na hindi talaga napag-isipan dahil may sumulpot lang na mensahe sa aking inbox at sinabing sumali daw ko, at umabot pa ng ilang araw ng pag-iisip kung sasali nga ba ako, pero ewan ko kung ano ang nangyari kung bakit n’andito ako sa puntong ‘to.

Masaya din sa pakiramdam sa puntong may kinakausap ako na ibang mga Watty users dahil dito. Hinding hindi ko ‘to makakalimutan dahil nag-anunsiyo pa ako ng link para sa mga boto at komento na kahit kailan ay hindi ko ginawa sa tanang buhay ko bilang isang manunulat sa Wattpad.  (Gan’un pala ang pakiramdam na nanlilimos ng boto! Wahahahaah! Biro lang!)

Ako ang tipo ng makata na hindi masyadong malalalim ang aking ginagamit na salita sa bawat taludtod ngunit, nananatiling malalim ang mensahe na aking ipinapabatid sa mga mambabasa. Sa likod ng anino ng isang simpleng salita ay nagtatago ang mga libo-libong emosyon ng isang makatang nais isigaw gamit ang tinta ng bolpen at mga lihim ng puso’t isipan.

Ang tinig ko’y malakas at malinaw kahit na wala pang boses na sinasambit.

Gamit ang mga tula, nakakaya kong maging malaya, nakakakaya kong tumapak ng malayo, at nakakaya kong maging ako na malayo sa reyalidad ng aking mundo.

Sa mga makata diyan, ang nais ko lang sabihin ay magsulat lang kayo nang magsulat. Sa mundo ng mga makata, walang tama o mali, malaya tayong maihahatid ang ating mensahe gamit ang mga tulang isinusulat natin. Nakakagaan ng loob, nagbibigay inspirasyon sa iba, at minsan o madalas ay nagbibigay kulay sa buhay natin sa panahong nagiging bulag na tayo sa depresiyon, kalungkutan, at paghihinagpis.

 

-        Jackylou L. Awing

***

 MENSAHE PARA SA IYO, MULA SA AKIN

Una sa lahat, nagpapasalamat ako kay GOD, kasi binigyan niya ako ng lakas ng loob para makasali sa patimpalak na ito. Pangalawa sa ate ko na siyang nagmungkahi sakin na sumali dito, kung hindi dahil sa kanya hindi ko malalaman na meron palang ganito. Pangatlo kay Justine Irish Mazon na laging nandyan at sinusuportahan ako sa bawat paglikha ng mga tulang aking ipinapasa. Yung unang entry na pinasa ko para talaga kay jeric yun, ang kaso di niya ma appreciate, yung pangalawa naman para sa isang malapit na kaibigan, yung pangatlo para kay mama, at yung last para sa sarili ko. Masarap sa pakiramdam kapag gumagawa ng tula, dito kasi maaari mong maibunton ang nararamdaman mo. Kung galit ka sa mundo, kung masaya ka, kung pakiramdam mo nag-iisa ka, at iniwan ka na ng lahat o kahit ano pa yan! Kumuha ka ng pluma at isulat mo sa papel o kaya i-type mo na lang sa cellphone mo, pramis nakakagaan talaga sa pakiramdam. Para sa mga aspiring poem writers, ‘sige kaya niyo yan wag kayong matakot na maipahayag ang nararamdaman niyo at wag kayong mawawalan ng pag-asa, kapit lang kayo kay GOD! basta kapag gagawa kayo dapat manggagaling sa inyong puso, kasi dito nakikita ang kahalagahan at kagandahan ng isang tula.’

   -_rouya_

***

 Masaya ang naging experience ko dito. Nakakatuwa lang kasi kapag tinitignan ko ang sarili ko na puro reklamo ang bukambibig haha. Every round, lagi kong sinasabi na 'ang hirap naman' pero sa bandang huli nagagawa ko naman. Hindi ako kasing galing na writer or poet sa mga naging kilala nyo pero walang imposible kung mahal ko ang ginagawa ko haha kayo rin. Pero, sa totoo lang nahiligan ko lang naman talaga ang sumulat dahil sa gusto ko lang malaman nyo kung ano ang nararamdaman ko. Yun lang

Message ko raw sa mga aspiring writers haha xD "Ikulong mo lang ang sarili mo at hayaan mo lang pumasok ang mga salita. Gabayan mo ang paglakad ng mga kamay mo at mabubuo ang tamang timpla." Salamat kay pareng Michael para sa patimpalak na ito. Kahit panu napaunlad ko ang sarili ko goodluck sa 'kin at sa iba pa.

***

Ako yung tipo ng writer na hindi mahilig sumali sa mga patimpalak, hindi ko rin kasi gusto ang pine-pressure. Natatakot rin kasi ako na baka hindi magugustuhan ng mga hurado ang gwa ko, o ng madla sa kanilang mababasa. Pero sinubukan ko pa rin, wala rin namang mawawala. At dahil dito sa patimpalak na ito, marami akong natutunan. Give and take kasi. Hindi naman lahat perpekto sa mundo. Maraming salamat, nagagalak akong maibahagi ang aking mga akda sa iba. Maraming salamat talaga.

Para naman sa ibang writer diyan. Dapat may emosyon sa pagsusulat. Hindi dapat pinpilit ang mga salita. Sumulat ka para maibahagi ang talento mo at hindi yung magyayabang lang kasi magaling at marunong ka.

-lhordyx

                                                                    

PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon