Maleta
Handa na ang maleta,
Mga luha'y nag-uunahan na.
Wala man akong magagawa,
Ngunit kailangan talaga.
Para naman ito sa inyo,
Lalo na kay Angelo.
Lahat ng mga kailangan ninyo,
Ibibigay ko.
Malasahan man ang pait ng pawis,
Ngiti naman ninyo ang magpapa-alis.
Kaya tama na,
Punasan na itong ating mga luha.
Babaunin ko ang iyong halik,
Asahan mo ang aking pagbabalik
Matagal man sa inyo'y mawalay,
Hindi layo ang sa atin ay magpapahiwalay.
Kaya anak ang bilin ni ama,
Sana ay lumaki ka na.
Para ikaw muna ang mag-alaga sa iyong ina
, Habang ako ay wala pa.
Kaya paalam na aking mahal,
Hindi na ako magtatagal.
Hindi ko na makikita ang paglaki ni Angelo,
Ngunit kailangan ko nang sumakay sa eroplano.
Dadalhin ko na ang aking maleta,
Tanging larawan nalang ninyo ang makikita.
Paalam na aking pamilya,
Hanggang sa muling pagkikita.
Ilang taon na rin ang nakalipas,
Ilang dahon na rin ang nalagas.
Dito sa ibang bansa,
Mahirap mamuhay nang mag-isa.
Titiisin man ang hirap,
Matupad lang ang ating pangarap.
Mabigat man itong dala ko,
Pero ang lahat nang ito'y para sa inyo.
Kamusta ka na mahal ko?
Malaki na siguro si Angelo.
Wag kang mag-alala,
Malapit na akong umuwi
kasama nang aking maleta.

BINABASA MO ANG
PATIMPALAK sa Pagsulat ng TULA(Tagalog lang)
Poetryito na ang hinihintay mong break! :))) sali a!