Chapter 1: The Runaway Princess

852 16 3
                                    


Chapter 1: The Runaway Princess

Halos lahat na ata ng pwedeng pasukan sa mall ay napasukan ko na. Mailigaw lang ang security staff na pinadala ng buwiset na matandang yon. Why the hell do I have to be guarded anyway? I'm already 18 for pete's sake and yet that old geezer treats me like I'm a kid who's innocent about the whole world and doesn't know anything.Hindi pa siya nakuntento na bantay sarado ako ng mga tauhan niya ng pinatapon niya ko noon sa Korea. Hanggang ngayon ba naman na nandito nako sa Pinas may guards pa rin tsk.

My my speak of the devils nandyan na naman sila. Kailangan ko na uling makalayo at makahanap ng matataguan. Lingon dito lingon doon pero wala pa rin akong makita hanggang sa mapadpad ang tingin ko sa isang lugar...ang comfort room na para mga lalake. May comfort room din para sa mga babae pero posibleng maisip nila na doon ako magpunta.

Nagdadalawang isip pa ko nung una hanggang sa makita kong papalapit na naman sila. I immediately ran over the men's comfort room. Dirediretso akong pumasok sa loob not minding anyone who just saw me. Then nilock ko yung pinto mula sa loob.

"Miss, mali ka ata ng napasukan cr to para sa mga lalake."

"I know but someone bad is looking for me! Ibebenta nila ako pag nahuli nila ako. Akala ko matinong trabaho ang napasukan ko hindi ko po alam na ganito pala ang kahihinatnan ko. Kaya lang naman ako pumayag na magtrabaho sa bar ay dahil may malalang sakit ang kapatid ko at wala kaming pera pangpaopera. Mga kuya please tulungan niyo po ako. Ayokong ibenta ang sarili ko sa kahit sino!"

Umiiyak at sumisinghot pa ko kunyare habang sinasabi ko ang mga linyang yan. Nakita ko naman ang pagkaawa sa kanilang mga mukha at pilit akong pinapatahan. Hanggang sa sunod sunod na malakas na katok ang nangibabaw at umarte akong natatakot.

"Buksan niyo ang pinto may hinahanap lang kami!" tinig ng isa sa mga security staff na tinakasan ko.

"Huwag kang magalala miss kami ng bahala dito."

"Tama siya kaya  pumasok ka na sa isang cubicle at magtago."

Dali dali akong pumasok sa kakabukas lang na cubicle at agad itong nilock. Nasanggi ko tuloy yung lalaki na lalabas dapat at nagkauntugan kami. Napahawak tuloy ako sa noo ko. Aish...ang sakit ng noo ko tsk. Ang tigas naman kasi ng ulo ng isang to. Literal na matigas.

"What the hell is your problem miss?!"  agad ko namang tinakpan ang bibig niya at sinenyasang manahimik siya.

"Nakita niyo ba ang babaeng to?" sigurado akong isa yon sa mga security staff.

"Ay hindi eh."

"Matanda nako at malabo ang mata kaya hindi ko na napapansin ang mukha ng mga babaeng nakikita ko."

"Loyal ako sa misis ko kaya di ako tumitingin sa iba."

"Wala akong napansin na babaeng ganyan ang itsura."

Habang naguusap sila sa labas ay nakatingin lamang kami sa isa't-isa ng estranghero dito sa loob. Tahimik at parehong nakikinig.

"Ay papables ang hanap ko at hindi girlalu eh. Gusto mo magapply sir?"

"Ganun ba? Sige mauuna na kami dahil kailangan pa naming mahanap ang babaeng ito. Pasensya na ho sa inyo." matapos non ay narinig ko na ang mga yabag nila paalis.

"Miss wala na sila puwede ka ng lumabas!"

After hearing that, I immediately took my hand back from covering this guy's mouth and opened the door. Pagkalabas ko ng cubicle ay yumuko ako at nagpasalamat sa kanilang lahat.

"Maraming salamat po." I smiled to all of them.

"Wala iyon! Masaya kaming nailigtas ka namin mula sa mga manlolokong yon. Tao nga naman ngayon pati kapwa tao gusto ng ibenta magkapera lang hays."

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon