Chapter 15: That guy called Twelve

193 8 2
                                    

Chapter 15: That guy called Twelve

Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may mga grupo ng babae na humarang saming daan. Pang ilan na ba to sa loob ng tatlong araw?

"Oh oh b*tch alert!" nailing na sabi ni Jervis.

"E-e-ella, umalis na tayo." nanginginig namang tinig ni Dette.

She's scared of them? Bakit parang dun sa mga naunang humarang ay hindi naman? Anong pinagkaiba ng mga babaeng to sa kanila bakit  natatakot siya?

"Oh if it isn't my dear cousin, Bernadette. Ngayon lang uli tayo nagkita tapos gusto mo nang umalis agad." said by the girl in the center. Unang tingin pa lang sa kanya ramdam ko na agad ang b*tch aura niya.

Magpinsan sila? Hmm hindi halata ah.

"Wala akong panahong makipaglokohan sayo, Hally." matigas na sabi ni Dette na siyang nagpataas ng aking kilay. Judging her reaction, it seems that this friend of mine is not on good terms with her b*tch looking cousin. Maybe she trembled before hindi dahil sa takot, kundi sa galit.

That girl Hally then walked slowly towards our direction or rather towards Dette's position. I think she whispered something which made Dette close her fist. Anong binulong ng babaeng yon sa kanya?

"So kamusta ka naman?"

Pero nanatiling walang imik si Dette sa pinsan niya.

"Napipe ka na ba ng dahil sa sinabi ko?"

Wala pa rin siyang imik. Mukha namang nairita si Hally sa katahimikan mula kay Dette kaya mas lumapit pa siya dito at marahas na hinatak ang braso ng kaibigan ko tsk. Pasalamat siya hindi ako ang pinsan niya kundi sinapak ko na siya psh. Hatak pa tsk.

"Matuto kang sumagot kapag tinatanong ka!" pasigaw na baling nito.But instead of answering, my friend just gave her a deathglare. Her glare was so instense na kahit ako pakiramdam ko biglang lumamig ang buong paligid.

"Ella, don't you think we should stop them?" Jervis asked worriedly pero umiling lang ako sa kanya.

"Don't worry, Dette can handle this." I confidently said to him. Dette can perfectly defend herself but she chose not to and I know why. She was suppresing her emotions in order to keep her other side.

"B-b-bakit ganyan ka makatingin? Stop it! Stop this!" kinakabahang sabi ng babae saka binigyan ng malakas na sampal si Dette. Sa sobrang lakas agad itong bumakat ito sa pisngi nito.

"You slapped me?" Dette finally muttered some words. Coldness was found on her voice.

"Bagay lang yan sayo! Tinatanong kita at hindi ka man lang sumasagot tapos tiningnan mo pa ko ng masama!" angal nito.

"And so? Tapos ka na ba? Kung wala ka rin lang sasabihing matino aalis nako. Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo." Dette turned her back and started to walk over the opposite direction.

"See how her attitude changes? Kala mo kung sinong santa na mabait at mahinhin pero may tinatagong kamalditahan, don't you agree girls?" Hally stated which made me roll my eyes at her.

"Jervis, sundan mo si Dette. Magkita na lang tayo sa cafeteria." tumango lang siya sakin at agad itong sinundan.

"Oo nga tama ka Queen! Plastik yang si Biason."

"Lagi na lang pinagmumukha ang sarili niyang kawawa pero nasa loob naman talaga ang kulo."

"Talaga namang b*tch ang pinsan mo Queen."

Silang tatlo na naman? If I remember correctly, sila yung mga papansing clown na fans ng jerk na si Arvin Chen na nagreklamo samin sa guidance. Mga alipores pala sila ng
pinsan ni Dette.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon