Chapter 38: Self destroy

76 3 0
                                    

Chapter 38: Self destroy

Hindi ko mapigilang magbuntong hininga. Daig ko pa ang preso sa pagtatago mula sa mga pagala galang bantay ng lugar na to. I know I already said that I'm gonna stay out of trouble but I just can't sleep soundly knowing that thing is lost. When Maverick left me earlier I was finally able to breath but then when my hand touched my chest in relief I noticed something different.

Something was missing. Something that I hold dear.

Pinuntahan ko na lahat ng lugar kung saan ako napadpad buong araw pero ni isa sa kanila wala doon. Wala doon ang hinahanap kong bagay. Dalawa na lang ang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Ito ang library at ang lihim na study room na nakadugtong nito.

At bago ko pa namalayan narating ko na pala ang loob ng library.

Pinakiramdaman ko ang paligid at mukha namang walang tao kaya sinimulan ko ng magahanap pero wala pa rin akong nakita. Kung wala pa rin dito ibig sabihin ba nito nasa lihim na study room ang bagay na hinahanap ko?

Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi dahil naalala ko ang sinabi ni Yuan na hindi ako palalamapasin ng kuya niya kapag nalaman nito ang ginagawa ko. Binigyan na nga rin ako ng babala ni Maverick hindi ba? Pero ayokong mawala sakin ang bagay na yon. Dahil pinaghahawakan ko ang pangako ng taong yon na babalikan niya ko.

Dahan dahan kong inabot ang libro pero bago ko pa ito mahawakan ay may pumigil saking gawin yon. Hindi ko mapigilang tumingin sa kanya ng may pagtataka. Anong dahilan at narito siya?

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" It was her...the girl in red dress in the academy before. If my memory serves me right, Lei called her Natalia.

Tinaasan niya ko ng kilay saka sinabing "Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? I live here but you don't."

Dito siya nakatira? Pero mansion ito ng mga mafioso. Kung ganon ibig sabihin ay parte din siya ng mafia?

"I'm a guest here." simpleng tugon ko sa kanya.

Bigla namang nagbago ang expression ng mukha niya at saka binigyan ako ng kakaibang ngiti. "I see but that doesn't mean you can just wander off here especially to that secret place." May tono ng pagbabala niyang tugon.

I know. Siya na ang pangatlong taong nagsabi sakin ng bagay na yan.

"I have my reason." I looked straight to her eyes then she raised her brow.

"Fine say it. I'll decide after I hear this reason of yours." Mas hinigpitan niya ang kapit sa braso ko na naging dahilan ng pamumula nito.

"I have to find it. I won't be able to hold on to his promise If I lost the necklace he gave me." Naramdaman kong lumuwag ang paghawak niya sa braso ko. "Alam kong mababaw pero yun lang ang tanging bagay na pinanghahawakan ko dahil umaasa akong babalik din siya sa tabi ko."

Ang kuwintas na yon ang nagiisang bagay na nagbibigay sakin ng pagasa na makikita kong muli ang taong yon.

"Kung ganon hindi na kita pipigilan pero sa tingin ko wala doon ang bagay na hinahanap mo. At isa pa sa oras na pasukin mo ang lugar na yon hindi mo na pipiliing manatili pa sa lugar na to." Tuluyan niya nakong pinakawalan at iniwan akong magisa at nagtataka.

Anong ibig niyang sabihin sa mga binitiwan niyang salita?

Hindi man mapalagay, pinili ko pa ring tumuloy. Tuluyan ko ng inangat ang libro at bumukas na ang daan na nagkokonekta dito papuntang study room. Tinahak ko muli ang madilim na daan na yon at tuluyang pumasok sa loob nang marating ko ang malaking pinto.

Isang malaking lugar ang tumambad sakin. Mukhang hindi lang siya isang study room, sa totoo lang mukha na siyang isang buong apartment na may iba pang kuwarto sa loob.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon