Chapter 37: Who's the traitor?

75 4 0
                                    

Chapter 37: Who's the traitor?

I was slowly walking in the hall while stretching my arms and legs. Ang sakit ng katawan ko. Sobra. Daig ko pa nasa military sa training na pinagagawa nila sakin. Buti na lang tapos na ngayong araw. Makakapagpahinga na rin ako sa wakas. I'm currently tracing the way back to my room when I saw them. Nakita ko si Adri pati na rin ang mga kuya niya. Nagmamadali sila at para bang hindi mapalagay. Hindi kasi maganda ang expression ng kanilang mga mukha, para bang may nangyaring hindi maganda.

Hindi ko na sana papansisnin pero sa hindi malamang dahilan hindi mawala sa isip ko ang itsura ng kanilang mukha kaya naman palihim ko silang sinundan. Nakita ko silang pumasok sa isang kuwarto na isa palang malaking library kaya ganun din ang ginawa ko. Inangat nila ang isang manipis na libro at isang nakatagong daan ang lumitaw.

Hinintay ko silang makaalis at nang masiguro ko na wala na sila ay ginaya ko ang ginawa nila kanina. Inangat ko ang librong yon at bumukas uli ang daan. Madilim at mahaba ang daan pero tinahak ko pa rin ito. Sa totoo lang alam kong hindi tama ang ginagawa ko ngayon pero hindi kasi ako mapalagay. Sa bawat paghakbang ng paa ko, kasabay nito ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Palakas ng palakas, hanggang sa makita kong bukas ang isang malaking pinto. Dahan dahan akong pumasok doon at tiniyak na wala akong nilikhang kahit na anong ingay.

Doon tumambad sakin ang lugar na hindi ko inaasahan. Isang study room? Bakit merong isang lihim na study room dito?

"Minchia! Calm down will you?!" Nakuha ng atensyon ko ang mataas na tono ng boses ni Adri.

"Porco dio!" this time boses naman ni Pierce ang narinig ko. Sumunod dito ang tunog mula sa sunod sunod na putok ng baril, pagkalabog at pagkabasag ng mga bagay. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng tunog na yon hanggang sa marating ko ang isa na namang pinto.

Bubuksan ko na sana ito nang marinig ko ang boses na yon. Ang pamilyar na boses na yon.

"I can't! I have to go back now." Imposible. Pati ba naman dito? Ganun na ba ko kadesperada na makita siya? Bakit naririnig ko ang boses niya?

Bakit naririnig ko ang boses ni Lei?

"Nababaliw ka na ba talaga Nikolei?! Ilang beses ko na sinabing hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito." Maverick's voice was hinted with authority and it echoed all the way through.

Nikolei? Hindi lang boses kundi pati pangalan ay pareho?

"But he died. If I was there in the academy then hindi mangyayari ang bagay na yon. And her sister what about her? She's in danger!" Hindi ko maintindihan kung anong pinaguusapan nila pero nararamdaman ko ang emotions ng lalaking tinatawag nilang Nikolei. He sounded so desperate and worried.

"She's safe. I can assure you that." I heard Ray stated calmly.

"She's not safe anywhere!" Nikolei almost shouted in frustration. Kung sinoman ang babaeng tinutukoy niya sigurado akong napakahalaga nito sa kanya. He won't act like this way if it's not. Pinipilit niyang bumalik kahit na pinipigilan siya ni Adri at ng mga kapatid niya.

"She is safe." Adri insisted.

"How? Paano niyo masisiguradong ligtas nga siya?" He doesn't seem to believe them and I understand why. Words are not enough to prove someone's safety.

"Because she's- Hindi ko na narinig pa ang kung anumang sasabihin ni Adri dahil may humila sakin at nilayo ako doon. Dirediretso niya kong hinila hanggang sa marating namin ang library kung saan konektado ang daan na yon.

"Hindi mo dapat ginawa yon, Ella. Paano na lang kung makita ka nila kuya?" Yuan-the youngest son of the Castelveltrano family gave me a worried face.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon