Chapter 36: Not a dream

64 3 0
                                    

Chapter 36: Not a dream

5:00 am Rome, Italy.

Feeling ko bangag ako ngayon. Sa sobrang gulo ng isip ko kagabi alas dos na ata ako nakatulog. I only had 3 hours of f*cking sleep. Wala pa talaga akong balak bumangon pero may walang hiyang kumatok sa pinto. Hindi ko dapat papansinin pero sunod sunod na katok kasi ang ginawa niya at sobrang ingay.

Kasalukuyan siyang nakatali sa upuan sa harap ko ngayon.

I knocked him down from the moment he entered my room. Naghanap ako ng tali pero wala akong mahanap kaya nagpadala ako sa room service at sila na rin ang pinagtali ko sa kanya.

"You better have a good purpose for ruining my sleep or else I'll kill you."

I glared at him and I saw him gulped. I even saw him tremble and shake. Mukhang kinakabahan at natatakot siya.

"Hi-hindi ak-ako masamang ta-tao. Don't kill me." He stuttered. His eyes are even watery feeling ko iiyak na siya any minute by now.

"Fine, I won't. Pero hindi kita papakawalan hangga't hindi mo sinasabi kung anong dahilan ng pagpunta mo dito." Sunod sunod na tango naman ang ginawa niya. "At puwede bang kumalma ka. Nakakairita yang panginginig mo tsk."

Nakita ko naman ang pagbuntong hininga niya ng ilang bese bago siya muling nagsalita.

"Si Sierra. Wala siya ngayon may inaasikaso siya pero gusto niyang malaman kung anong desisyon mo. Kung mananatili ka dito o uuwi ka na pabalik sa inyo."

Huh? Sino namang Sierra ang sinasabi ng mokong na to?

"Bago ko sagutin ang tanong mo puwede bang sabihin mo muna kung sino si Sierra?"

"Kilala mo si Adri hindi ba? Adrienna Sierra ang pangalan niya." Hindi makapaniwalang sabi niya sakin.

Tama naalala ko na. Sierra nga pala ang second name niya.

"Bakit Sierra ang tawag mo sa kanya? Sino ka ba?" I raised my brows on him.

"Ako si- teka nga hindi mahalaga kung sino ako. Sagutin mo na lang ang tanong. Are you staying or not?" Tila naiinip na sabi niya.

"Nagagalit ka? Gusto mo ba talagang matuluyan?" tiningnan ko uli siya ng masama at sunod sunod na iling naman ang ginawa niya.

"Sagutin mo na kasi yung tanong. May pasok pa kasi ako sa trabaho baka malate ako miss."

"Tss. Kapag nanatili ako ano ng susunod?"

"Pinatagal mo pa yon din naman pala ang pipiliin mo tss." He complained in annoyance. Tang *na at siya pa talaga ang umangal eh siya nga ang sira ulong sumira sa tulog ko tss.

Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. nakita ko ang kaba sa kanyag mukha.

"Gusto mo bang baliin ko ngayon mismo ang leeg mo? Sagutin mo ang tanong ko bago ko maisipang gawin yon." I gave him my sweetest smile.

"If you stay you'll move into the family mansion. Sierra and her brothers will help you. Tutulungan ka daw nilang matupad ang kagustuhan mo." He heaved a deep sigh.

Tama nga ang hinala ko. Pinadala ako ni Kuya dito para magtraining. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sa isang mafia pa?

Bukod sa koneksyon nito sa Bloody Society may iba pa bang dahilan?

"How can I get in to the mansion?" I asked and he glared at me in return.

"Pakawalan mo muna ako. Hindi kita maihahatid kung nakatali ako dito." Nakasimangot niyang pahayag kaya naman tinanggal ko na ang tali at pinakawalan na siya.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon