Chapter 56: Yana

32 6 0
                                    

Chapter 56: Yana

Arvin Chen

Hindi ko napigilang magtaas ng kilay matapos makita ang itsura niya. Tama nga si Joshua. Prenteng prente sa pagkakahiga ang g*go. Akala mo nagbabakasyon lang sa kulungan tss.

"Bumangon ka dyan. Alam kong gising ka Atong."

Isang halakhak ang narinig ko mula sa kanya bago bumangon at lumapit sa kinaroroonan ko.

"Kamusta leader? Mukha yatang problemado ka." nakangising tugon nito.

"Dalhin niyo siya sa interrogation room," agad siyang pinosasan at hinawakan ng maga tauhan ni Andi sa kanyang dalawang braso. "At ikaw naman Joshua, sunduin mo ang girlfriend mo at sumunod kaagad samin doon."

Isang tugon lamang ang nakuha ko mula sa kanya bago siya tuluyang umalis.

Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa interrogation room. At nang marating namin ito ay umupo na kami sa kanya kanyang puwesto at pinaalis ko na ang mga tauhang nagdala sa kanya dito.

"Sabihin mo nga Atong—mali, Byron Rosende pala dapat. Gaano mo kakilala si Harriette at ang mga anak niya?"

He's been working with Harriette ever since. He probably knows a lot and that includes the twins.

Which means he might know the answer to my question.

"Mga?" natatawa itong bumaling sakin. "Kung ganon ay alam mo na pala ang tungkol sa kambal."  a smirk slowly rose from his lips.

"Hindi yan ang sagot sa tanong ko." I stated in stern voice.

"Kung alam mo na ang tungkol sa kanila siguradong may nagsabi na sayo," his face become stoic. "Ano pa ba ang gusto mong malaman?"

"I want the truth, Byron." I met his eyes and he sighed in return.

"Stop going around and tell me directly what you want, Arvin Chen." he hissed.

"Harriette is dead," I paused. "One of the twins killed her. I wanted to know who did it." I said in gritted teeth.

Gusto kong malaman kung sinong pumatay kay Harriette at bakit?

"Kung ganon ay patay na pala siya? Kawawang babae hindi na nga minahal ng asawa tapos pinatay pa ng sariling anak." naiiling iling pa na sabi nito.

Mukhang hindi siya nagulat at base sa reaksyon niya ay mukhang inaasahan niya ng mangyayari to.

"Hindi ka nagulat o mukhang nagaalala man lang." I stated in a fact of manner tone.

Parang wala lang sa kanya ang dala kong balita.

"Wala namang magbabago kahit mawala pa si Harriette. Hindi rin naman importante ang presensya niya dito. At kung pinatay man siya, iyon ay dahil wala na siyang silbi para sa taong yon."

Pinatay siya dahil wala na siyang silbi?

"Kung ganon ay alam mo nga kung sino ang pumatay sa kanya."

It was not just a hunch. His words confirmed it. He knows who did it. He knows who killed her.

"Siguro pero bakit ko naman sasabihin sayo? Ano namang mapapala ko kung sabihin ko ang pangalan ng taong kumitil sa buhay ng babaeng yon." he gave me a playful smile.

"Mababawasan ang sentensya mo sa kulungan kapag sinagot mo ang tanong ko."

Isang malakas na tawa ang kumawala mula sa kanya na para bang may sinabi akong nakakatawa.

Bloody SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon