Chapter 26

6 0 0
                                        

"Shawn bakit ang tagal mong maligo? Dinaig mo pa ako!" tapos na akong maligo at nagsuot lang ng baby pink blouse at jeans, tinernuhan ko lang ng tsinelas kasi sa bahay lang naman ni tita ako pupunta.

Kanina pa ako tapos maligo pero siya! Siya ang tagal niya! Ano bang ginagawa niya sa banyo at ang tagal niya?

Nasa sala ako ngayon at hinihintay siyang bumaba. Pero hindi ako makatiis kaya umakyat ako sa pangalawang palapag.

Kinatok ko ng tatlong beses ang pintuan Kung saan nasa loob si shawn.

"Shawn?" naghintay ako nang ilang Segundo bago ako nakarinig ng kaluskos galing sa loob.

"Ano?" nag shape ang bibig ko ng malaking "o" habang pinagmamasdan siya mula paa papuntang ulo.

"Sino ka?" napatingin ako sa kaniya. Ibang iba ang nakikita kong tao ata ngayon. Hindi 'yung shawn na laging nakahilata. Na laging nakasuot ng Sando at shorts.

Teka wait?  Ang oa ko naman ata? Nakasuot lang naman siya ng normal na T-shirt at faded jeans pero eto ako parang nakakita ng alien?

"Wahhhh!" napasigaw ako at tumalikod saka tinapik tapik ang pisngi ko, ano ba tong nararamdaman ko? Mabilis ang tibok ng puso ko na akala mo'y nakipagkarerahan sa kabayo.

Pero ang pinag tataka ko talaga sa lahat.. Ay bakit parang may pumasok sa aking isang bagong feeling?

No! Napailing ako.  Wala yan Kirsten siguro kasi first time mong makitang genyan ang suot niya in short first time mo makakita ng alien. Yup ganoon 'yun. Humarap ako sa kaniya na at nakita siyang mukhang naiinip na dahil kanina pa ako hindi nag sasalita. Hindi parin nagbabago ang buhok niya. Magulo parin at hindi parin kita ang asul niyang mga mata.

"Tutunganga kalang diyan?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Halika na baka maubusan tayo ng jeep" hihilahin ko na sana siya ng bigla siyang lumayo at may kinuha sa loob.

Papasok na sana ako ng mapagtanto kong privacy nga pala.

"Halika ka na, pupunta na dito si Mang freddy" nauna siyang maglakad sa akin at sinundan ko lang siya.

Sino si manong Freddy?

"Sino si manong Freddy? " pababa siya ng hagdan ng tumingin siya sa akin.

"Personal driver ni Mama" saka siya nag patuloy mag lakad.

Malapit na kami sa pinto ng bigla siyang huminto kaya tumama ako sa likod niya.

"Aray the future! "

"Ahm... Pwede bang sa ibang araw na lang tayo pumunta? Naaantok ako e." gulat akong tumingin sa kaniya.

Nakita kong kinakabahan siya dahil nangingig ang balikat niya.

"Bakit ka kinakabahan? Lumabas ka naman non ah? "

"Sa mama ako pumunta non. Nakasakay ako sa kotseng pinadala niya and diretso akong pumasok sa mansyon niya kaya okey lang 'yun..."

Hays siguro wag ko nalang kaya siyang isama? Mukhang matagal na kasi siyang hindi lumabas dito eh.

Pero may isang bahagi ng utak ko na dapat ipakilala ko siya sa pamilya ko. Kasi diba mag..... Asawa na kami?

Ay wait baka nakakalimutan mong asawa kalang sa papel Kirsten?  Like duh. Napasimangot ako at malungkot na ngumiti. Siguro hindi ko talaga siya mapapakilala sa kanila.

Umiling nalang ako at tinignan siya.
"Sige dito ka nalang bantayan mo-"

"Wag na nawala na ang antok ko. Let's go" hinila niya ang kamay ko kaya tumingin ako sa kaniya pero nakatingin lang siya ng diretso. Eh bakit parang kinuryenta ako? Tapos piling ko bumilis ang tibok ng puso ko?

The Loner's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon