chapter 25

5 0 0
                                        

"Aray putangina ang sakit...."

"Tahimik mo yang bibig mo ayoko ng nag mumura"

Well nag mumura din ako pero hindi ko lang inaamin? Haha.

Tahimik kong hinahalo tong flour ko para sa pancake. Hindi ko mapigilang masampal si shawn kanina kahit ang totoo ako ang may kasalanan. Haggang ngayon namumula parin ang kaliwang bahagi ng mukha niya kaya napangiwi ako.

Malakas pa naman akong manampal.

Binaba ko muna na sa lamesa ang hawak kong malaking mangkok at binuksan ang pinto ng ref.

Kumuha ako ng yelo doon at naglagay ng tubes sa tela at pinulupot ito.

Nasa sofa si shawki tulog na tulog. Pasarap sa buhay.

Dumiretso ako sa kung saan nakaupo si shawn. Kinuha ko ang isa pang upuan at nilagay iyun sa harap niya.

Nagmumukmuk pa rin si shawn at hindi ako tinitignan.

Napabuntong hininga ako dahil sa ginagawa niya at the same time ay nacucutan ako, ewan ko ba ang sarap pisilin ng namumula niyang pisngi.

"Oyy shawnnn sorry naa.." sinundot ko ang tagiliran niya pero patuloy pa rin siyang nakatingin sa gilid.

Ang hirap namang suyuin nito. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at hinarap ito sa mukha ko.

"Galit ka ba?"malambing kong tanong.
Para bang may mga paro paro sa tiyan ko na ipinagtaka ko pero hindi ko nalang pinansin.

"Hindi" nilagay ko bigla ang tela na may yelo sa pisngi niya.

"Lamig!" natawa ako dahil sa reaksiyon niya.

"Talagang genyan" nakatingin ako sa kaniya at ganoon din siya. Gusto kong bawiin ang tingin ko pero hindi ko magawa.

Ano ba 'to.

Nagulat si shawn ng nilagay ko ang isa kong kamay sa buhok niyang napaka lambot.

Jusjey nagiging hobby ko na 'tong ginagawa ko.

Hinimas-himas ko ito na katulad ng ginagawa ko kay shawki. Ay hindi naman aso si shawn a.

"Hmm..."

"Gupitan ko kaya yang buhok mo?" bigla kong tanong.

"Ayoko"

"Bakit?"

"Kasi ayoko"

"Bakit nga kasi"

"Makikita  nila ang Mata ko" bigla niyang sagot.

"Ano namang problems doon? Ang ganda kaya ng Mata mo" hinawi ko ang bangs niya kaya nakikita ko na ang nakapikit niyang mata.

Bigla niya itong minulat kaya muntik na akong mawalan ng ulirat.

"Ayoko parin" binaba ko na ang hawak kong tela pero hawak-hawak ko parin ang buhok niya.

"Sige okey lang para ako lang ang makakita niyan" napairap siya sa sinabi ko. Yuck bakit ko sinabi 'yun?

"Sige lang"

Nanggigigil kong pinisil ang pisngi niya na ikinaaray niya.

"What the hell!?! " tumayo ako at kinuha ulit ang mangkok at mabilis itong hinalo.

Jusko ano ba tong ginagawa ko?

---

Nag riring ang cell phone ko pero hindi ko ito makuha dahil nag huhugas ako ng kamay.

"Shawn!! Sagutin mo nga yun!" sigaw ko.

"Bakit ako!?" balik niyang  sigaw.

"Kasi sinabi ko kaya kunin mo na! mamaya importante yan eh!!"

The Loner's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon