Chapter 27

7 0 0
                                        

Kinuwento ko ang lahat lahat ng nangyari nitong mga nakaraang linggo. Wala e.  Hindi ko kayang mag sinungaling sa kanila. Lalo na kay tita na tinuring ko naring pangalawang ina.

"Hindi ka ba natatakot anak?" tanong ni tiang.

"Saan naman po?"

"Kakakilala mo palang sa kaniya anak. Baka hindi ka komportable lalo na kayong dalawa lang sa bahay na tinitirhan mo" nagaalalang niyang sagot.

Napaisip ako mga ilang saglit at umiling.

"Imbes nga na matakot po ako ay parang nasasayahan po ako kapag kasama siya. Kahit mukha siyang weirdo ang cute parin niya. Kahit minsan nagagalit siya, nacucutan ako kasi ang cute niyang magalit. Kahit may takot siya sa aso pinatuloy pa rin niya ito sa bahay kahit na may karapatan siyang paalisin ito. Tapos parang napakapayapa kapag kasama siya tapos lagi akong natutulala kapag napapatingin ako sa asul niyang mata tapos gustong gusto niya ang luto ko kaya masyado akong masaya tapo-"

"May gusto ko ba sa kaniya ten?"

Napatigil ako sa pag salita ng bigla niyang sabihin 'yun.

"Ho?"

"Para kasing gustong gusto mo siya eh. Hindi ka naman genyan kaexcited pag may lalaki tayong pinag uusapan" mukha ba akong excited ?

No!  Syempre minsan lang magkaroon ng kaibigan na lalaki no.

"Hindi ko po yun gusto! over my dead gorgeous body tita friends lang kami"

"Akala ko mag-asawa  kayo?" minsan talaga may pagka confuse si tita e.

"Hindi tita napagkasunduan naming maging civil to each other" paliwanag ko sa kaniya. Nasa kwarto si shawn kasama ng mga anak ni tita para maentertain nag uusap pa kami ni tita eh. Sana hindi mahilo si shawn dahil sa mga bunganga ng magkakapatid. Hays.

"Ah sabi mo kasi friends lang kayo eh" napakamot nalang ako sa batok.

"Pero anak... Dapat hindi mo ginawa 'yun, paano yung mga gusto mong gawin? Hindi mo na magagawa kasi tali ka na. Sabi ko naman kasi sayo okey lang ako para nakitang anak ayokong mag sisi ka sa desisyon mo. Bata ka pa e dapat kasama mo yung mga kaibigan mo nag papakasaya"

Napabungtong hininga ako at ngumiti "Okey lang talaga tita. Hindi ako mag sisi para naman sa inyo yung ginawa ko eh"

"Yes anak pero kung may asawa ka na.....  Ginawa mo ba 'yun anak?"

"Ang alin tita?"

"Sex nak" tinago ko ang aking mukha gamit ang dalawa kong kamay dahil sa biglang tanong ni tita at para matago ang pulang mapula kong mukha. Omg!

"Tita naman eh! Friends kami no!"

"Bakit meron namang friends with benefits diba?"

"Tita saan mo ba yan nakikita!?!"

"Hahahahah secret"
--

"Sige tita aalis na po kami, wala pong kasama si shawki sa bahay eh"

Nag paalam narin si shawn at nakita ko na naman yung ngiti niya! Ihh ang gwapo siguro nito pag nagpagupit.okey lang naman sa akin kahit hindi siya mag pagupit eh.

"Bye po!  Wag mong lolokohin si ten ten ah!"

Natawa nalang ng mahina si shawn. Omg totoo ba yung nakita ko? Bakit hindi genyan sa akin si shawn? Pag ako naman ang hirap niyang pangitiin! Ano ba ang pinag usapan nilang apat at parang friends na kaagad sila?

"Bibisita po kami ate ten pag bakasyon na! "

"HAHAHAH sige ipagluluto kita ng favorite mo"

"Yiehayy!!"

"Sa graduation ko pumunta ka ah!"

"Opo!"

Ang kukulit talaga nila. Parang hindi na ako bibisita Kung mag demand sila a.

"Shawkkiii!!" niyakap ko ang pinakamamahal kong aso.

"Malungkot ka ba? Kumain ka na? Sorry ha sa susunod sasama na kita para di kana lonely"

"Arf arf!" minsan lang tumahol tong si shawki pag may pagkain lang tatahol o excited.

"Nagugutom ako pag luto mo ako" sabi ng asawa kong pg.

"Kakain mo lang kani-AHHH! " biglang niyang hinubad ang pang itaas niyang suot kaya nakita ko ng full view ang likod niya like kyaahhh!  Ang mata kooo!!!

"Ano ba shawn! Tigilan mo yan! Ingungudngod talaga kita sa inodoro! aahhh my eyes! Huhuhuhu" tinakpan ko ang mata ko pero nag iwan ng konting awang para makita Kung ano ang gagawin niya. Luh ayaw mo lang sabihing naninilip ka e.

"Tsk oa" humiga siya sa sofa kaya napairap ako. Mamaya hihiga ako Kung saan siya humiga.

"MALILIGO MUNA AKO!!" tumakbo ako pero nakapikit parin ang Mata ko.

"ARAY!!" nasapo ko ang noo ko dahil sa sakit. Tumama ako sa pader.... Sa pader....

Tumawa siya ng mahina pero dinig ko parin "WAAAHHH HUHU!!!" KAHIYA!

---

"Oh bakit itlog lang?" takang tanong niya.

"Nag hihirap tayo ngayon e"

"Bakit yung aso may hotdog saka chicken?"

"Syempre gagawin ko ang lahat mapakain ko lang siya"

"Eh paano ako?"

"Hmp! Ang laki muna no!"

"Pero asawa kita e.  It's your duty as a wife"

"Hays I ain't your mama! " pabagsak akong umupo at inirapan siya.

"Luh."

Wala akong ganang kumain ngayon kaya pinanood ko lang si shawki kumain.

Napaigtad ako ng bigla akong kinalabit ng kumag.

"Ano!?" asik ko.

"Ahh" ang kutsara ay nag lalaman ng itlog at madaming kanin.

Ngumiti ako ng matamis"Susubuan mo ako?"

"Ayaw mo?" irap niya. Napa tsk nalang ako saka niya ako sinubuan.

Hindi halata pero kilig to the bones ako.

Ngiting aso lang ang ginawa ko. Well kahit naman itlog lang ang ulam niya masaya pa rin siya eh parang bata.

"Pagkatapos ng trabaho ko pupunta ako sa Festival na gaganapin sa university ni mika" wika ko.

"Mika? "

"Yung kaibigan kooo punta tayo shawn? Sumama ka! Gusto ko kasama kaaa" nakaramdam ako ng excite kasi kasama siya.

"Paano kapag hindi ako sumama?" nanghina amg loob ko dahil sa tanong niya.

"Edi pupunta parin ako kaso malungkot nga lang" Kahit hindi palasalita si shawn presensiya niya lang okey na sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Apr 01, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Loner's WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon