ang aga ko nagising kase ilang araw nalang debut celebration ko na! hindi naman ako masyadong excited niyan? hehehe. i turn around to Renz, tinititigan ko lang siya habang hinahagod ko yung buhok niya.. mahal ko talaga tong taong toh, I'll do anything for you.. i smile while watching him sleep.
--------------
bumaba ako while holding leah's laptop kailangan ko ng matapos ung slideshows ko. aba! lahat sila gising na? i check the time its 10:45 a.m napapasarap talaga tulog ko dito.
"tulog pa si renz, zi?" tanong saken ni mark
"ah oo humihilik pa hehehe!" kahit sila dito na din natutulog. itong bahay na toh, bahay na ng lahat, lahat welcome, lahat pwede dito matulog at tumambay.
"gisingin mo zi, sabi niya kasi gisingin namin siya kasi mag-gegeneral cleaning daw kami dito sa bahay" general cleaning? kailan pa napunta sa vocubulary niya yun? promise wala siyang ganun na word, ni hindi nga yun naghuhugas ng plato, nagwawalis, nagpupunas tapos general cleaning pa?
"hehehe himala ah, ikaw na lang gumising tol" sabe ko
"once in a blue moon lang tol yun magyaya maglinis kaya dapat i-take advantage na natin" oo nga tama, tumango-tango lang ako sa kanya..
umakyat na si mark, maya maya kasama na niya si renz
"goodmorning pa" ^______^ masayang bati ko sa kanya
"goodmorning ma, aga mo nagising ah" lumapit siya sakin at kiniss ako sa cheeks.
"hindi, kakagising ko lang din" lalo siyang gumagwapo pag bagong gising, magulo ang kanyang buhok tapos naniningkitan ang kanyang mga mata. I giggled.
agad naman silang nagsimulang naglinis, linabas nila mga sofa, inayos mga guitars at piano. habang naglilinis sila pinatugtog ni mark ung awit ng barkada ng apo hiking society..
Nakasimangot ka na lang palagi
Parang ikaw lang ang nagmamay-ari Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa
habang pinapanuod ko sila, iba ung pakiramdam ng puso ko, ibang kaligayahan ang nadadama ko habang sila'y tinitignan ko. bigla na lang tumulo ang aking mga luha, ano toh? bat ako umiiyak? sa sobrang tuwa naiiyak ako sa kanila, pinunasan ko agad ang luha ko baka mapansin pa nila at sabihing ang babaw ko.
Kahit sino pa man ang may kagagawan
Ng iyong pagkabigo
Ay isipin na lang na ang buhay kung
Minsan ay nagbibiro
Nandirito kami, ang barkada mong tunay Aawit sa 'yo
Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
Kami'y kasama mo
"hoy! bat ka umiiyak diyan?" nagulat naman ako ng may biglang may nagsalita sa tabi ko, nandito kase ako naka-upo sa dining table
"nakakagulat ka naman eh!" sabe ko ky leah, kanina tulog lang siya tapos ngayon nandito na sa tabi ko.
"bat ka kase umiiyak diyan?" natatawa siya.
"tignan mo kaya sila ang sweet nila oh" ngumuso ako.
"sus! ang babaw!"
"eh natutuwa ako sa kanila bakit ba? matulog ka na nga lang ulit" sabay tingin sa laptop
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Teen Fictiona true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...