after what I've done. iniwan ako ng tropa. masakit pa pinagsasabi nila sakin.
flashback*
pagkagising ko ng umaga. sobrang sakit ng ulo ko! ang pangit pa ng panaginip ko pero parang totoo? pumunta daw ako sa kwarto nila at hinalikan ang pader. tss. siguro nga panaginip lang
"jaziel! ano ginawa mo?! ung totoo"
"bhe?! totoo ba yung sinabi ni chin?"
"hooy! magreply ka naman!"
"jaziel?"
"zizi?"
ang dami nilang text sakin halos galing kay anne at leah ang mensahe. halos pareparehas lang naman ang nilalaman. may missed call din sakin si leah.
ano nangyari?!
wait?!
is this.. no it can't be..
"leah? kakagising ko lang ano ba yun?" message sent to leah. grabe antok pa ko!
"hindi mo alam ginawa mo?! imposibleng hindi! kilala kita jaziel!" kahit hindi ko nakikita si leah alam kong galit siya.
"ano ba kasi yun? kakagising ko lang kaya" humikab hikab pa ko. sobrang antok pa ko ang dami kong nainom. buti nga nakauwi pa ko eh.
"umakyat ka daw sa kwarto nila at hinalikan ung pader! jaziel naman! hindi ka ba nagiisip??! pati tropa nahiya sa ginawa mo!" huminto ang oras sa sandaling ito. totoo pala ung akala kong panaginip at ngayon ko lang narealize na mali ang ginawa ko. napatapik ako sa noo ko
ang tanga mo zizi! ngayon hindi ka na talaga pwede pumunta dun!
"sorry bhe, lasing na lasing ako hindi ko alam ginawa ko. alam kong mali. sorry talaga" haiy! ano ba ginawa mo jaziel!
"tsk! ewan ko sayo jaziel! ang bobo mo!" yun na lang ang tangi kong natangap na text kay leah. alam kong galit siya.
"jaziel! sa ginawa mo nagmukha kang tanga! naiinis ako sayo!" text ni anne. okay they're all against me. hindi man lang nila ako pinakingan?! so kampi sila dun!? sa babaeng yun?!
"okay fine! hindi niyo naman ako inintindi diba? buti pa si leah dinadalaw ako dito. hindi mo man lang ba ako pakikingan?! pakingan mo naman side ko" naiinis ako sa kanila. alam kong mali ginawa ko pero kaibigan ko pa din sila.
"no need. ikaw mismo ang lumayo samin. sa ginawa mong yan you look pathetic!" okay this time i know she won again! na gain na niya sympathy ng friends ko. magaling! lahat sila galit na sakin.
----------------
"kamusta ka na zi?" dumalaw sakin si pao. halos siya na lang natitira kong kaibigan. sabi nga nila. kung sino ang hindi bumitaw siya yung totoong kaibigan mo
"thanks pao, for being there always. i owe you" sabi ko sa kanya.
"naiintindihan naman kita im on your side no matter what" nandito kami ngayon sa terrace.
i lean on his shoulder.
"shot tayo mamaya? namimiss ka na nila mark. tayo tayo lang" actually its been months since nung nangyari yun.
"o-okay, sunduin mo ko ha wala akong pera" i smiled to him. tumayo siya sa harapan ko.
"sure! sige ha, pasok na ko, sunduin kita after ha" ngumiti lang ako sa kanya at hinatid sa van niya kung san naka park.
---------------
kinagabihan pumunta kami sa bahay nila pao. kasing laki ito ng bahay nila renz. kasama namin ngayon si mark at si ken
"oooy! namiss ko kayo!!!" yinakap ko silang dalawa! sobrang namiss ko sila! nagbeso na din ako pagkatapos ko sila hagkan.
"kamusta ka na?" tanong nila parehas. umupo ako sa chair malapit sa kubo nila pao
"okay naman. eto moving on pa din. gusto ko din magwork para may ginagawa naman" sabi ko sa kanila.
"oh shot na!" lumapit samin si pao dala ang alak.
"ngayon na lang ulit ako iinom" wika ko sa kanila.
"pag hindi mo na kaya, wag ka na uminom ha" tumango lang ako ky pao. maya maya ay linabas niya gitara niya. talented talaga sila. halos marunong sila mag gitara piano at kung ano ano pang instruments.
"sabi ko sayo jaziel ako na lang eh" sabi ni pao. tumawa ako sa kanya alam kong nagbibiro lang siya. minsan babe pa tawag niya sakin but i don't mind him.
napapasarap na ang usapan. nakibalita din ako sa kanila at nalaman kong buntis na si chin. wow! lalo ata napunit ang puso ko. game over na talaga. hindi na siya babalik talaga sakin.
"zi? may tanong ako. okay lang?" tinignan ko si mark, tumango naman ako.
"bakit mo pala hinalikan ung pader?" sa tanong niya kanina dapat pala hindi na ko pumayag.
"hindi ko rin alam tol! lasing na lasing ako hindi ko na alam ginawa ko. siguro namiss ko lang talaga si renz. hindi mo naman ako masisisi" hindi ko kaya idepence sarili ko kasi alam ko naman na mali ung ginawa ko.
patuloy naman tumutugtog si pao. ang ganda talaga ng boses niya.
maya maya ay hinatid na din nila ako sa bahay.
-------------
naalala ko sinabi ni mark buntis na si chin two months na daw.. two months? eh isang buwan pa lang nakakaraan bago kami naghiwalay. so ibig sabihin nabuntis niya talaga si chin? at walang barangayan na naganap? I sighed. i shook my head. sana hindi totoo na two months ung tyan niya. ayoko maniwala na habang kami pa nag make out na sila. kung ganun man talaga nangyari dapat sinabi niya sakin ung totoo hindi ung nagmukha ako lalong tanga na mali pala iniisip ko. Haiiy!
kailangan ko na ng trabaho or kahit anong mapagkakaabalahan. tutal may kakilala naman akong photographers and mga manager na kumukuha ng models.
I need to stay away from this world.
I need to escape and i think i need work to solve this problem.
--
a/n: sa lahat ng nagbasa. thank you po. may next story po after this. ung life ni jaziel. kung ano nangyari sa kanya. magiging masaya na ba siya sa bago niyang buhay? makakahanap ba siya ng bagong pagibig? or masisira kanyang buhay? let's see her next chapter of her life. soon to be published at wattpad. :)
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Novela Juvenila true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...