November 1, 2011
nitong nakaraang araw nagpaplano silang manakot sa araw ng mga patay. kaya ito kame ngayon mananakot na kame.
sa village nila renz, uso ang treat or trick. kaya kameng matatanda manttrip kame.
nakita ko si pao na pumasok sa bahay
"ready na ba kayo?" sabay lapag ng isang lalagyan ng ice cream sa table
"wow! ang sarap! ice cream!" sabe ko.
"shunga! fake blood yan!" sabi niya
"patingin ako! pano mo ginawa?" binuksan ko ung ice cream at nakita ko ung fake blood
"secret! juice lang yan!" pano? eh ang lapot kaya hehehe
"kuha na kayo" sabi niya, may dala din siyang tissue paper para mas maganda daw ang effects
kumuha na ko ng fake blood linagay ko sa muka ko at sa katawan ko! ang lagkit naman!! yumuko ako at sabay ginulo gulo ang buhok ko, nilagyan ko din ng powder yung labi ko para maging maputla ang datingan ko
"hala! nakakatakot si zizi!!" sabi ni anne. kasama ni anne si fia, yung baby niyang one year old naka princess outfit siya
"oo nga ma! nakakatakot ka na!"
tinignan ko sarili ko sa salamin pati ako natakot hahahaha!
"dagdagan pa natin yan!" sabi ni pao tska siya kumuha ng dugo at inagos sa noo ko na mukang nasugatan ang ulo ko.. mas lalo akong nakaktakot! nagsuot ako ng puting damit, damit ni renz maluwag to kaya muka akong white lady.. nang matapos na kameng lahat sabay sabay kameng lumabas ng bahay ng nakayapak! HAHAHAHA! natatawa ako kasi para kameng mga zombies na out of no where na nabuhay
lumibot kame sa phase 1 pati cab hindi namin pinalagpas, hinabol namin at tinakot mga pasahero, yung iba natakot yung iba pinacturan kame yung iba naman natuwa. madalas matakot mga bata samin hahahaha! may hinabol nga kameng bata eh, napagtripan lang namin ni anne, ayun umiyak ng umiyak! buti hindi nagalit yung nanay samin binigyan pa kami ng chocolates! bawat street may drama, bawat street may napagtripan kami. humihiga pa kami sa kalsada at pag may nag stop na kotse sabay magsisipaglabasan kame sa tinaguan namin tapos sabay sabay kami pupunta at papalibutan ang kotse sabay alis. wala lang trip lang namin yun.
nang mapagod na kami tska kami umuwi na, si fia takot na takot samin pano tinakot ni renz! hahahaha! loko! inaanak pa naman niya yun.
naligo na si anne at ako ang sunod.. nahirapan ako sa buhok kase buhol buhol at ang lagkit! hindi ko na ulit uulitin yun pero ang saya talaga ngayon! another first! :)
malapit na maghating gabi. magsspirt of the glass sila, dapat kasama ako pati si anne pero nauna na si anne kasi kasama niya anak niya hindi siya pwedeng magtagal. ako naman nag back out sa sobrang takot. ako gumawa ng ouija board nila. sabi sa rules ang hindi kasali dapat wala sa pangyayarihan, kaya hinatid nila ako kala mark. dun muna ako nagstay habang maglalaro sila ng board..
halos isang oras ako nagantay, inaantok na ko pero natatakot din. maya maya sinundo na ko ni renz..
"pa? ano nangyari?" tanong ko
"nakakatakot ma! iba yung pakiramdam! ang bigat bigat"
"gumalaw ung glass?" curious ako.
"hindi pero kasi iba yung vibes kanina, feel ko bad spirit yun kaya tinigil na din namin. alam mo ba dun sa bandang drum set parang may tumutunog pati sa stairs" tumindig balahibo ko.
"woah! grabe!" naiiyak ako sa takot!
pagdating sa bahay nila, lahat sila nagkkwentuhan
"hindi ko na uulitin ulit yun pre! nakakatakot!" sabi ni cris, kapit bahay nila
"oo ako din! nakaktakot! kasi meron talaga dito mumu" renz
"may mumu dito??" sabi ko. napalaki mga mata ko! all this time kala ko talaga joke time lang pag tinatakot ako ni renz -______-
"oo ma, dati. pero ngayon hindi na nagpaparamdam kasi lagi na maingay dito" i sighed.
"alam mo ba ma, ginaya namin yung sa paranormal, naglagay kami ng powder sa hagdan tapos maya maya may steps na ng parang manok" hindi ako makapagsalita.
"totoo yan zizi! lahat kami takot!" mark. natatakot din pala mga lalaki.
nung gabing un hindi ako masyado nakatulog sa mga kinuwento nila..
--
A/N: any questions regarding sa mga characters? feel free to ask :) vote naman kayo oh and comment na din pleeeeaaaase :) solomots :D
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Teen Fictiona true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...