"hello! Im Jaziel Euri Mardrigal, ziel nlng for short.
hmm. ako? maganda, sexy, mapagmahal, matalino. oopps de joke lng. hindi ako sexy I'm petite. I'm not beautiful, I'm gorgeous! :)
lovelife? hmmm naka10 na kong boyfriends but nothing serious relationships. fling fling lang until i met this guy.. sino sya?
makikilala mo sya on the next chapters." :)
-------
yii! aha! you know what it is! black and yellow black and yellow black and yellow black and yellow!
yii! aha! you know what it is! black and yellow black and yellow black and yellow!
"arrrrgh! antooook pa koo! off ko muna alarm clock ng phone ko. black and yellow pampagising ko sa umaga :D para nakakabounce ang datingan dba? :) aga aga naman kase ng pasok ko eh :/ first day of class dpat excited ako pero bakit ganun? parang usual day lang. ang gusto ko lang is ung baon ko hiihiihii :> pero nagaaral naman ako ng mabuti nooh ever since wala akong failure grades :) hindi naman ako duper talino masipag lang po magaral :p"
Habang naghihintay ng masasakyan. Kinuha ko ang earphones ko sa bag ko at sinaksak sa cellphone ko. Tinignan ko ang relos ko! Syet! Malalate na ko! Badtrip naman!
Isang sakay lang naman ng van papuntang school. Isang ors byahe pero minsan isa't kalahati depende kung traffic sa baclaran. Anyway pag first day of school matik na traffic. Napabuntong hininga nalang ako ng makakita ako ng van! Swerte! Agad ako nakipagsabayan sa mga pasaherong hinahabol ang van habang tinatabi sa gilid ng kalsada. Wala akong pakialam kung may matatanda or may lalakeng mas grabe makipagbangsan makasakay lang. Ha! Hahahaha! Malakas ata to kahit payat!
Nang makasakay ako. Iba ang naramdaman kong ginhawa. Ganda ganda ng uniform ko pero kung makakilos kanina parang lalake. Tinawanan ko nalang ang naisip ng utak ko.
Nakarating ako ng school na may konting oras pa. Buti ung sinakyan kong van eh nagshort cut at hindi dumaan sa traffic. What a lucky day today talaga. Sana sunod sunod na.
Naglalakad ang sa hallway ng school papunta sa department namen. Ngiti ngiti ako naglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Mukang familiar ang boses na yun! Wag sana masira ang mood ko sa kanya
"Jaziel" hindi ko pinapansin at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala siya ayoko masira ang mood ko.
"Jaziiieeeeeeell! Hooooy! Supladaaaaaa!" Ay nako naman tama ba namang ipagsigawan na suplada ako? Dami tuloy nakarinig nakakahiya! Gosh! Baka isipin nila suplada ako. Okay fine lilingon na ko, bwisit na lalake talaga toh ooh!
Lumingon ako at ngumiti ung fake smile ah. Nang magulat ako. ay syeeeet! si ex pala tong natawag saken. Kala ko ung makulit na manliligaw ko.
si Rafael pala ang tumatawag saken. sya lang naman ang naging boyfriend ko dto sa campus. Yes! Tama ka ex ko nga siya. At ex lang siya hindi ex-boyfriend magkaiba yun noh parang ganto "syota ko nga pala" at "girlfriend ko" diba diba? Oh gets mo na? Kung ndi mo pa gets i-google mo.
"uuy! kaw pala yan! bakit?" sabe ko. Sabay hampas sa balikat pero hindi un malakas ah.
"ang sungit mo na ngayon ah! parang walang pinagsamahan" sabe naman ni rafael na ngiting ngiti
Ano kaya nakaen nito? At pinansin ako nito? Ngayon, naniniwala na ko sa himala! Oo tama! May himala nga. Simula nung nagbreak kame hindi na kaya nya ko pinansin ewan ko kung bitter siya or nahihiya siya saken hahahaha!
"nako raf tigilan mo ko ha. amp! wala ako sa mood ngaun. ano ba kase un? at grabe ka naman makatawag sa pangalan ko." Pasungit na sabe ko sa kanya. Grabe! First day na first day kase ng school kala mo eh hari kung makatawag sa loob ng campus.
"eh sabay tayo pasok. sige na. san ba room mo? hatid na kita" sabe nya with puppy face. Bwisit! Ang panget nya! Nasisira araw ko! Oh my!!
"magalit pa gf mo saken noh! wag na. kaya ko naman tska malayo room ko sa cithm building pa tapos babalik ka pa sa business administration building nyo." Hindi ko alam pero hiningal ako sa pagkasabe nun, galit ung tono ko? Hindi ko alam basta mabilis at irita!
ang sabe naman nya, "okay lang un noh kilala ka naman nya hindi naman un selosa. sige na hatid na kita" arrgh! He's getting into my nerves. Pano ko kaya to paaalisin. Calm down jaziel sige na pumayag ka na sabe ng subconscious mind ko. Sige na nga. First day ng school namiss ko dn naman siya kahit papano.
"Okaaaaaay" hands up na ko. Baka lalo pa mabwisit at masira ang pinakamagandang araw sa balat ng lupa ang first day of school syempre new friends, new prof, new lesson, new kalokohan at syempre ang baon!
Nagsimula na kami maglakad papunta sa building ng cithm. Im taking bachelor science in tourism management. I wanna be a flight attendant soon and go all over the world. Habang naglalakad kame napapansin ko din ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Tumitingin sila samin. Ay nako naman! Mga bwisit na mga babae to. Akala mo ang gaganda muka namang daga. Kalat kase sa buong campus pagnagkaroon ng girlfriend to si raf, kaya pag gf ka nitong ugok na to for sure instant celebrity ka. Pero kase ang A-W-K-W-A-R-D lang ng feeling. For sure issue na naman ito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Kamusta ka na?" Sabi ni raf saken. Malumanay na parang seryosong seryoso. After all this time ngayon nalang talaga kame nagkausap ng ganto.
"okay lang eto naghahanap ng mas better sayo este im single and contented" i said sarcastically. Hahaha! Bat parang ang bitter ko? Yaan na nga.
single ako ngaun pagkatapos namen magbreak ni raf parang bigla akong napagod magmahal. manhid na ata ako. paulit ulit naman kase eh. getting to know each other tapos magiging friends tapos in a relationship tapos magbbreak tapos its complicated na. parang status lang yan sa facebook. Sabi nga ng iba walang forever. And im starting to believe it.
"uuuy jazieel uyyy.." Nagising ang diwa ko. Nang alugin ako ni rafael. Oh my! Did i space out?
"uuy ano un uuuy. baket? ano un? ano sabe mo?" Tsk! Nanaginip na naman ako ng gising bat kase nag rereminisce ako? Eh tagal ng tapos yun.
"kw tlga nanaginip ka na naman ng gising ang sabe ko ikaw mawawalan ng bf himala yon!" Aba! Ang kapal ng lalakeng to. Oo alam nya i had 10 failure relationship dati kase ang motto ko try and try until i succeed eh ngayon wait unti you get it. Oo maghihintay ako sa mr right ko.
"hoooy wag mo ko itulad sayo" ang kapal ng lalakeng to. Itulad pa ko sa kanya eh kung makapagpalit nga siya ng girlfriend parang damit lang eh. After ng 1 week ng break up namin may gf na nga siya ulit. Diba nya alam ung 3 month rule??!
"oh sya nandto ka na madam. pasok ka na. txt kita ha. namiss kita!" Sabay kindat! Arrgh! Tong lalakeng to babaero talaga may girlfriend na nga nanlalandi pa!!
hindi ko namalayan nandto na pala ako sa building namen. Tinignan ko ang relo ko at nanlaki ang mata ko! Oh maaay!! 30minutes kame naglakad?!late na ko!! Siomai talaga ohh! Yung lalakeng un! Malilintikan talaga siya saken. Dali dali akong pumasok sa loob. wala na ko sinabe sa kanya. Nagmamadali na ko. Oh noo! Ayoko malate sa first day of class. Baka nandyan na prof ko. Nako! Bad impression un for sure.
I knock twice before entering our room. Wew~ kinabahan ako ah. Buti naman wala pang prof hehehehe. Kaso tumambad saken ang ingay! The last time i check is college ang inenroll ko hindi highschool eh mas maiingay pa sila sa gradeschool eh.
Bago pa ko mastress sa kanila napatingin ako sa bintana. Ganda ng view dito ah. Tanaw ang manila. Ng may maisip akong kalokohan. An evil sweet smile formed in my face.
--
A/n:
ano kaya iniisip ni jaziel?
what can you say? :)
okay lang ba? chapter 1 natin?
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Novela Juvenila true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...