Hindi ako makapaniwala! single na ko? parang kahapon lang ang saya saya namin! parang ang ganda ng mga nangyayari samin then all of the sudden wala na? lahat ng mga binuo naming pangarap nawala na yun ng parang bula. parang wala lang sa kanya ang aming pinagsamahan. oo four months lang kami pero sa loob ng buwan na yun parang ang tagal tagal na namin. hindi naman nasusukat yun kung ganon kayo katagal nasa pagsasama yun.
flashback*
"ma? pwede bang magcool-off muna tayo? promise babalik ako sayo january 21 next year may kailangan lang akong ayusin at ayokong madamay ka dun" hindi ako makagalaw sa kinahihigaan ko, is this for real? bakit? dahil ba hindi ako pumayag na pumunta ng tagaytay? ang babaw naman!
"okay fine! pupunta na ko diyan, punta na tayo ng tagaytay" text ko sa kanya
"hindi yun ma, basta may gagawin lang ako. sa ngayon hindi mo maiintindihan pero pagdating ng panahon sasabihin ko din sayo. just trust me. wala naman magbabago, konti lang. hindi ka na pwede pumunta dito lagi lagi. basta we can still be friends while im doing important things" when i receive his message, sobrang hindi ako makapaniwala para bang isa tong panaginip kala ko ba walang iwanan? ano nangyari sa forever? gusto kong umiyak pero hindi ko magawa!
"so san mapupunta ang cool-off? diba sa break up din? may nagawa ba kong mali? okay naman tayo diba, wala akong maalala na nagaway tayo, please pa dont do this to me" nakapang buntong hininga ako.
"i really need to do this ma, i need to find myself, promise babalikan kita January 21 next year promise yan ma, basta tandaan mo mahal kita, yan panghawakan mo ma" hindi ko talaga siya maintindihan, nasasaktan ako sa ginawa niya pero siguro kailangan talaga.
"okay pa, I'll support you, hihintayin kita" hindi ko alam kung tama ba gagawin ko pero mahal ko siya yun na yun.
"trust me ma, babalik ako, sa pagbabalik ko okay na ang lahat buong buo na ko promise! i love you!" last text niya sakin. lagi lagi kong binabasa tong convo namin hindi ko dinidelete kasi naniniwala akong babalik siya! kasi mahal niya ko.
end of flashback*
"huuuy! mahal ka non!" sigaw ni leah, oh yeah! she's always bringing me back to reality.
"tara punta tayo dun!" sabi ko. i cant take a day without seeing him.
"kala ko ba wala na kayo?" sabi ni leah na nakataas ang kilay
"dadalaw lang ako, natext ko na siya at pumayag siya" narinig kong huminga siya ng malalim, wala siyang nagawa kundi sumama sakin. alam ko naman na sasama siya kasi nagkakamabutihan na sila ni mark
"bakit ganun? parang may sumpa tayong dalawa" wika ko ky leah habang nakatungo
"bakit?" tanong niya
"naalala mo si christian? ung nakilala ko sa facebook then taga dito din siya. okay naman kami parang ganyan kay renz tapos nung naging kayo ni tope - childhood sweetheart niya - nag break kami tapos nung naging kami naman ni allen nagbreak naman kayo ni tope nun tapos naging kayo ni kuya jhe - yung churchmate niya na crush niya - kami naman nagbreak ni allen tapos nung nanligaw at sinagot ko si raf nagkamalabuan naman kayo tapos ngayon kami ni renz tapos kayo ni mark, hindi mo ba napapansin yun? parang may curse" mahinang sabi ko sa kanya, tumingin siya sakin na parang na-aawa, i rolled my eyes to her.
"napansin ko din yun, pero kala ko this time magiging okay ang lahat, kasi witness ako sa pagmamahalan niyo ni renz pero hindi rin naman ako nagulat kung nahantong kayo sa kanya" abong pinagsasabi niya? alam niyang mangyayari to? ano? hindi ko gets! i gave her a curious look
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Dla nastolatkówa true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...