Renz's POV
simula nung nakita ko si chin parang may kakaiba akong naramdaman, namiss ko siya. agad ko naman siyang kinamusta sa facebook. alam ni ma password ko dito pero agad ko naman binura convo namin. nagkamustahan lang naman kami at kinuha ko number niya.. nagkakatext pero hindi ganun kadalas kasi lagi ko kasama si ma, pero ngayon matagal tagal na din kami nagkakatext, parang gusto ko maghiganti sa kanya. pero pano? masasaktan si ma. ayoko mangyari yun..
------------
malapit na birthday ko, nagrequest ako sa mommy ko na magpadala ng advance at extra money kasi maghahanda ako
Jaziel's POV
malapit na birthday ni pa. ano kaya gift ko? that day na birthday niya may practice ako ng ramp modeling. kaya gabi na ko makakapunta dito. hmmm! i got an idea! hehehehe :)
Renz's POV
katabi ko ngayon si ma sa sofa habang nanunuod ng three idiots, indian movie yan. kami lang dalawa sa bahay.. gusto kong i-text si chin pero hindi ko magawa, nakokonsensya ako.
*knock knock
hala?! sino naman ang pupunta dito ng ganitong kaaga? impossible naman na tropa ko for sure tulog pa mga yun.
binuksan ko yung pinto. lagot! si lola! ang pinakamasungit na lola ko!
umupo si ma sa pagkakahiga niya for sure natatakot din siya..
"sino yan?" lola
"girlfriend ko po la" wika ko
"bakit siya nandito? umagang umaga!" sigaw ni lola. hinawakan ko kamay ni ma at umakyat kame sa taas
"wala na ho kayo paki dun" nakatingin lang sakin si zizi
"abang bata ka! sumasagot ka na! "ano ba yang babaeng yan? pokpok ba yan? at nandito sa bahay ng lalake?!" nagpintig mga tenga ko sa narinig ko kaya bumaba ako
"wag niyo po sasabihan ng ganyan girlfriend ko dahil hindi mo siya kilala! umalis na kayo dito!"
"bakit ako aalis? eh pinapunta ako ng mama mo dito!" itong matandang to. tanda tanda na bungangera pa din kaya pinatulan ko to dahil ganyan nalang siya lagi pag may bisita ako dito, nakakainis na siya
"ma! tara!" tinawag ko si jaziel at kami na lang ang lalabas. agad naman siyang bumaba at hinawakan ko kamay niya. kinuha ko mga gamit ni lola at nilabas din sa bahay
"p*tang*na nyo! mamatay na kayo! hindi kita lola! ang sama sama ng ugali mo!" sigaw ko sa kanya. pikon na pikon ako sa kanya.
"isusumbong kita sa nanay mo! wala kang kwenta!" lola
pumasok ako sa loob ng bahay
"ma wait lang ha"
Jaziel's POV
"ma wait lang ha" sabi ni renz, tumango na lang ako sa kanya, natatakot ako sa lola niya grabe napakasungit! at ang sama ng ugali! ako? pokpok? naglakad ako ng konti para hindi ako makita ng lola niya, pagkalabas ni renz sa bahay, sumunod naman lola niya at nakita na naman ako
"magsama kayo ng babaeng yan!" sabi ng lola niya
"ma, bat ka pa kasi nagpakita?" hindi na ko nagsalita at na una na ko naglakad hinintay ko nalang si renz sa kanto.
"ma, sorry sa sinabi ni lola ha" inakbayan niya ko.
"wala yun pa hayaan na natin"
"bakit kasi nandito yun nakakainis!" naglalakad kami papunta kala mark, magkakalapit lang naman sila ng bahay, magkatapat nga si mark at si ken ng bahay eh, si mac lang ang naiiba kasi sa ibang village siya nakatira pero inampon naman siya ni renz.
"pre, dito muna kami ha" umupo si renz sa kubo
"oh bakit?"
"nandiyan si lola"
"awwdi, nasermonan?" sabi ni mark
"ako ang nanermon!" inis na sabi ni renz.
"zi? okay ka lang?" tanong ni mark. tumingin ako sa kanya at ngumiti..
"nagtext si anne sabi kung pwedeng tumambay" sabi ni renz
"replyan mo na, si leah din nagtext baka magkasama yung dalawa" sabi ko naman.
-----------------
lunch na at nandito na din sila leah. dito kami naki-kain kala mark, nandito mom ni mark kaya ayun napakain kami hehehe nakakahiya man pero kasi nakakagutom talaga..
nilapitan ko si leah "anong meron sa inyo ni mark?"
"h-ha? w-wala noh! bakit mo naman natanong yan?" leah
"hoy! kilala kita! lagi kayo naguusap noh! kala mo hindi ko napapansin tapos pagmagkakatabi pa tayo, lagi kayong tabi" pinalo ko siya sa braso pero hindi naman malakas un.
"hehehehe, eh kasi wala ano lang hmmm fling? hindi ko alam eh, crush ko na ata siya" nagblush si leah.
"crush? or love? magkaiba yun!" sabay tampal sa noo ni leah
"aray! oo alam ko yun, naguguluhan ako kasi may gf siya, si joan, eh nagkakamalabuan na daw sila kaso ayoko naman ganun ma-fall sa kanya" umiling iling ako.
"tsk tsk, hinay hinay lang ah. baka masaktan ka"
makalipas ng ilang oras, wala na daw si lola sa bahay kaya agad na kaming umuwi.. haiiiy salamat naman..
Renz's POV
pwede ko ng iwan si ma.
"kita tayo dito sa clubhouse" message sent to chin
"okay baby" reply niya
"ma, wait lang ah may pupuntahan lang ako"
"san?" with matching taas pa ng kilay niya
"basta ma, saglit lang" sabay kuha ng susi ni brandon at umalis na..
---------------
"pwede bang maging tayo ulit?" chin
"ha? alam mo naman na may gf ako"
"edi iwanan mo, hindi mo na ba ako mahal?"
"m-mahal k-kaso" mahal ko pa ba talaga? hindi eh mahal ko si jaziel, maghintay ka chin maghihiganti ako sayo.
"pagiisipan ko muna chin, masyadong complicated ang lahat" sabi ko
"okay, maghihintay ako" sabi niya.
"hatid na kita, hindi ako pwedeng magtagal eh" hinatid ko na siya sa gate at pinasakay ng jeep hindi ko siya pwede i-hatid sa kanila at baka may makakita.
Jaziel's POV
san kaya pumunta yun? ang tagal niya ah. pero okay na din at makakapagplano ako. ikukuntsaba ko tropa niya hehehe!
"tol birthday na ni renz bukas kaso gabi na ko makakarating ha kasi may practice pa ko at dadaan pa ko kila anne" sabay kasi sila ni anne pero mauuna talaga si renz kaso kasi ginawa niyang saturday kaya ayun nagkasabay, debut pa naman ni anne yun. wala namang party kainan lang pero diba kaibigan ko yun.
"anong plano mo tol?" tanong ni pao
"susunduin niyo ko sa gate, kunwari hindi ako makakarating okay? hindi ako pinapaalis ni anne, pagdating dito dala ko yung cake wag niyo siya papalabasin ha tapos sabay sabay tayo kakanta, okay ba yun?"
"ayos tol! sige kami na bahala diyan!" hehehehe! yun ooh! ang sarap naman ng feeling! excited na ko!
--
A/N: vote.vote.vote
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Teen Fictiona true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...