Third person's POV
magaapat na buwan na sila at halos magiisang buwan na niloloko ni renz si zizi.
magkatext si renz at si chin..
"ano? breakan mo na kasi yan" sabi ni chin
"e-eh hindi pa ko makakuha ng tyempo eh" sabi ni renz na nagiisip ng paraan
"bilisan mo!"
lumipas ang mga araw na hindi na alam ni renz ang gagawin. pano niya ito sasabihin ky zizi? wala naman silang pinagaawayan lately, masaya sila nagcelebrate ng third monthsary nila, masaya sila kahit wala silang ginagawa sa bahay, halos araw araw na din ang pagtulog ni zizi kala renz. ayaw niyang saktan si zizi pero kailangan niyang maghiganti ky chin para makabawi sa sakit na dinanas niya noon.
nakakahalata na si zizi sa kanya na para bang may tinatago, hindi na nahahawakan ng dalaga ang cellphone ng binata pero hinayaan niya lamang ito.. nagdaan ang mga araw na pinaparamdam ni renz na malamig na siya ky zizi.. pero nasasaktan siya pag nakikita niyang malungkot ito kaya bumabalik na naman sila sa dati.. pero kadalasan natutulala na lang bigla si renz sabay tingin sa iphone niya, nagtataka na si zizi pero hindi niya kayang magisip ng masama sa kanyang minamahal..
Jaziel's POV
"pa, mamayang gabi na modelling ko sa eastwood" txt ko ky renz at umaasa akong makakanuod sila, binigyan ko naman siya ng ticket para hindi na siya magbayad.
"ang layo ma, hindi ako makakapunta wala ng budget at gas si brandon" nalungkot ako sa sinabi niya, dati lagi lagi niya ko nasusundo sa school at hinahatid sa bahay pero lately naging cold na siya. nagsasawa na kaya siya sakin? sabi sakin ni leah abnormal daw ang isang relasyon kung hindi kami magaaway. kung awayin ko kaya siya ngayon? kaso hindi ko naman kayang gawin yun. nagbuntong hininga ako ng malalim.
"ah okay lang pa, late na uwi ko nun" kung naririnig mo lang ang boses ko ngayon, sobrang lungkot ko.
nagpaalam na ko sa kanya kasi kailangan ko na bumyahe at malayo layo ang eastwood dito sa cavite.
Leah's POV
namiss niyo ko? busy na kasi si jaziel kay renz lagi nalang sila magkasama nagseselos na ang buong tropa pagkatapos ng school niya agad siya pupunta dun o kaya naman sinusundo siya, tumatambay naman kami dun pero ang mundo ni jaziel umiikot na ky renz. at napapansin ko lang ky renz, lagi niyang hawak cellphone niya para bang may tinatago siya simula nung nakita niya si chin ganyan na siya pero hindi naman nagbago mga galaw niya ky jaziel, but i feel something fishy.. there's something wrong and i need to find what is it.
ako? okay naman kami ni mark, nagkakamabutihan? hindi ko alam kung papatulan ko ba siya kasi lagi ko siyang katabi pagnatutulog kami kala renz. nung isang gabi lang ay hinalikan niya ko alam kong lasing kami parehas pero pag gising niya hinalikan niya ulit ako! mahirap to! may gf siya pano yan? i dont want to be another used to be.
Jaziel's POV
nakarating na ko sa circa superclub, dito nagaganap ang event namin. pagpasok ko sa loob nakita ko na ang runway. hindi ganun kahaba kaya nakakabitin maglakad.. nagpractice kami ng blockings at kung sino sino ang unang papasok at huling papasok.
--------------
nagayos na kami sa dressing room, nag make up at binigyan ng damit ni ate marj, mga gawa niya kasi toh kaya mga damit ang irarampa talaga namin ngayong gabi.. dumating rin si mami para sa support, pinicturan niya ko. pagkatapos nun umuwi na din siya hindi na ko sumabay sa kanya para makauwi ako kala renz, naputulan daw sila ng ilaw. kawawa naman.
BINABASA MO ANG
You and I [Complete]
Novela Juvenila true to life story of a couple. para sa mga babaeng NAGMAHAL ng sobra sobra. UMASA at hirap makapag move on. para sayo to :) this is my first story here. i hope you like it. the name of the characters in this story is changed for the security of t...