Chapter 35 Criminal Minds

15 0 0
                                    

pagkagising, tanghali na. ang sakit ng ulo ko! hang over! wala na si cess.

"pa! kainin na natin yung cake baka sobrang tigas na nun" niyuyugyog ko talaga siya.

"eh! mamaya na ma! bigay mo yun eh" aww pati ba sakin ayaw niya ko pakainin nun? hahahaha!

maya maya din ay may nagbusina sa labas ng bahay nila..

"lagot! sila lola and friends!" habang sumisilip si drew sa bintana

"ma! tago ka muna sa taas!" sabi ni renz na aligaga

umakyat kami ni leah, ken at mac sa taas.. pumunta kami sa kwarto ni renz, bago ako nagtago sumilip muna ako sa bintana. ang dami nila! pano yan! si ken at leah ay umakyat sa double deck at nagtalukbong ng foam ako naman sa cabinet malaki naman ung cabinet kaya kasyang kasya ako. narinig ko na mga boses sa baba at binabati si renz at maya maya din ay may nagbukas ng pinto lagot!

"ang gulo naman ng kwarto mo hijo" sabi ng babae. sino kaya yun? agad naman ako nakarinig ng hakbang pababa. wew~

"zi? okay ka lang diyan?" ken

"oo tol hehehe! eh kayo diyan? astig ah hindi kayo halata" hindi na siya sumagot pa at baka may makarinig samin sabi ni renz wag kami maingay..

ang tagal ng oras na lumipas gutom na ko! lalapangin ko talaga yung cake mamaya!

may narinig na kong kotseng umandar pero hindi ako sigurado kung umalis na ba lola niya pero hindi na rin ako nakakarinig ng ingay sa baba.

"ma, ken, leah okay na" sabi ni renz "okay mga tinaguan niyo ah, kinakabahan pa ko pa-akyatin si tita kanina kasi baka makita kayo" ah so tita niya pala yun. katulad din kaya siya ng lola niya?

"siyempre tol kami pa nasan si mark?" oo nga nasa'n yun?

"hindi ko alam kala ko kasama niyo?" nilingon ko ang paligid baka kasi biglang lumabas si mark at gulatin kami pero bigo ako.

"hindi ah" singit ni leah

"kainin na natin yung cake!" sabi ko. gutom na gutom na kasi ako!!

"hehehe gutom na si ma, sige na nga, may spaghetti din sa baba dala nila tita"

pagkababa namin nakita ko yung spaghetti at nilabas naman ni renz ang cake na umuusok usok pa dahil galing yun sa freezer. tinusok ko ng tinidor ang cake at hindi matusok sa sobrang tigas at lamig!

"bat kasi sa freezer mo linagay?" -_______-

"i-prepreserve ko sana eh, ayoko kainin kasi first time ko may nagbigay ng regalo sakin" ngumiti naman ako sa kanya

"sige hayaan mo lang diyan kainin natin mamaya pag hindi na matigas" gusto ko talaga lapangin ang cake

-----------

ang sarap ng cake! sa isang iglap naubos namin yung cake, yung cake board naman ay tinago ni renz, remembrance daw..

dumating si mark sa bahay

"san ka galing?" tanong ni renz

"nagpanic ako men! kaya sa likod ako dumaan tapos napatalon ako sa bakod" pinakita naman niya ung braso niyang may sugat. kawawa naman.

"HAHAHAHAHA!" lahat kami tumawa

"hala! ang taas nun pre" drew

"oo nga eh! adrenaline rush kaya hindi ko rin lubos maisip pano ko nagawa yun" sabay napalingon siya sa cake "wala ng cake?" sabi pa niya

"wala na!" nagkasabay pa kami ni renz

"nahuli ka na hehehe!" pangasar ni ken

--

A/N: sinisipag ako mag update :)

You and I [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon