[45] Nice shot

129 3 0
                                    

Chapter 45

Aes' Point of View

"Ayokong mawala ka sakin, Aes. Ayoko." Nanginginig na sinabi niya. Hindi na ako nakatiis at hinila siya at yinakap ng mahigpit.

Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "I'm sorry. I'm just..." hinawakan niya ang pisngi ko.

"I know. And i'm not aware. Sorry." Sabi nya at yinakap ulit ako. Humarap siya sakin at hinawakan yung kamay ko.

"Tara na. May bago akong librong nabasa." Ngumiti siya at hinila ako. Tumabi ako sakanya at inakbayan siyang nakangiti.

"Anong libro naman yun?"

**

"Chinnaaaaa! Nasan na yung libro ko?" nakita kong nakadapa si Chinna sa kama habang nagbabasa.

"Wtf, Sab. Kakahiram ko lang diba?!" humarap sya samin at nanlaki ang mata. "Oops. Sorry. Nanjan ka pala Alex. Hehe." sabi nya at napakamot sa ulo. Nginitian ko lang siya.

"Akin na." Sabi ulit ni Sab sakanya.

"Mamaya na kasi! Nagbabasa pa yung tao e." Sabi nya at tumalikod sakanya.

"Di mo lang kasama si Lance eh!" sabi ni Sab at binelatan siya.

Dati naman hindi nagbabasa ngayon si Sab. Ewan ko jan at bigla biglang naging bookworm. Minsan nung tinawagan ko siya, umiiyak siya. Pero ang sabi niya lang sakin "Huhuhuhuhu. Si Tris kasi e, waaaaaaah! TT^TT" At hindi daw siya makamove on.

Binato lang siya ng unan ni Sab at hinila ako palabas ng room nila. "Bwisit ka talagaaaaa!" narinig kong sigaw sakanya ni Chinna.

Naglakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa may parang garden. Umupo kaming dalawa ni Sab sa bench at inakbayan ko siya.

"Alam mo ba, iyak ako ng iyak sa libro na yun." Aniya at humilig sa balikat ko.

"Hm, bakit naman?"

"Kasi, nakakaiyak lang talaga yung love story nila. Parehas silang may cancer, tapos baliwala lang sakanila yun at nagmahalab parin sila. Sa tingin ko nga, kung bakit siya namatay ayun yung kapalit ng wish niya e. Pero masaya naman ako sakanila, yung choices nila." Nakita kong pinunasan nya yung mata niya.

"Ano bayan. Naiiyak nanaman ako." Sabi nya at tumawa lang siya.

"Alam ko." Bulong ko sakanya at inayos ko ang pagkaakbay ko sakanya.

I already read that story. And yeah.

**

Sab's Point of View

"Nagugutom na ko." Narinig kong sabi ni Angel kay Eka.

"Che! Layuan mo nga ako!" tinulak niya si Angel at bumalik ang atensyon sa iPad niya. What an internet addict.

Magkatabi kaming dalawa ni Aes dito sa may duyan. Buti nalang matibay, kundi baka matagal na kaming bumagsak.

Tinawag kami ni Eka at nakatuon samin tung iPad niya. "Picture!!" sabi nya. Umakbay sakin si Aes at nag peace sign lang ako.

"Huwaaaaaah! Inggit mats!" sabi nya at nagpipindot nanaman siya dun.

"Tag moko a!" pahabol na sigaw ko sakanya.

Tumingin ako kay Chinna na nakabusangot sa DSLR niya. "Hoy best." Tawag ko sakanya.

Luh? Di ako pinansin. Ngumisi ako at kinuwa yung phone ko. Dinial ko ung number ni Lance.

"Hello? Helloooo Lance!" nilakasan ko talaga yung boses ko para marinig niya. Tinignan ko siya at nakatingin ng masama sakin.

Binelatan ko lang siya. "Uh. Nasan ka? Hinahanap ka kasi ni Chinnang menau-" bigla niyang hinablot yung cellphone ko.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon