[51] Plan

132 2 0
                                    

Chapter 51

December 6, 20--

Sab's Point of View

Nakaupo ako sa sahig habang naghahanap ng magandang flight papuntang Korea. Alam ko may bahay kami sa Seoul, kaya dun na muna siguro ako.

Aish. Nagbook ako 2 weeks before. Yun na kasi yung pinakamagandang flight na nakuwa ko. Kailangan ko pang magtiis.

Sumandal ako sa may kama at pumikit.

"Hey." Dinilat ko na yung mata ko at tumingala nagulat ako kasi malapit yung mukha niya sakin.

"웨?" (Why?) Inirapan ko siya at hiniwakan yung pisngi ko. "Yah! Nangangalay ako!" lumapit siya at hinalikan ako sa labi.

"Good morning, bee." Tumayo ako at hinampas yung ulo niya.

"Yah! Argh." Sabi niya at hinimas yung ulo niya.

Humiga ako sa kama niya at tiningnan ulit yung phone ko,

"Anong ginagawa mo?" tanong niya at tumabi sakin.

"Nagbook ako ng flight." sabi ko sakanya. Saktong sakto, christmas break na namin. I need a break.

"Flight?" tanong niya. Umayos ako ng upo at kinurot yung magkabilang pisngi niya.

"Yup. To Korea. I guess i need a break, right?" sabi ko at ginulo yung buhok niya.

Tumayo ako at nagunat. "Iiwan mo ko dito?" Nagulat ako at napatingin sakanya.

Tamo. Parang bata. Ang sarap ibulsa. Hahaha.

"Hoy. Hindi naman kita iiwan eh." Humarap ako sakanya at ngumiti. "Kung, magpapaiwan ka." Binato ko siya nung throwpillow at lumabas ng kwarto niya.

Taray 'no. Parang sariling bahay ko lang. Nakausap ko narin yung mommy at daddy nila, kaso sa Skype lang. Nasa business trip kasi yung parents nila.

Sabi feel at home eh. Joke lang, pero medyo comfortable nako dito dahil din kila Yale at Camille.

"Hi unnie~ good morning!" ngiting sabi ni Camille sakin.

"Good morning din. Kumain ka na?" tanong ko sakanya. Lumapit ako sakanya at inakbayan siya. Nagk-kwento lang siya sakin habang papunta kami sa kitchen.

Bigla kong naalala si Angel. Napatigil ako. Hay. Kamusta na kaya siya? Nakakatulog kaya siya ng maayos? Nakakakain ba siya, di ko namalayan biglang may tumulong luha sa mata ko. Pinunasan ko kaagad yun at tumingin kay Camille.

"Tara." Sabi ko at hinila siya sa kitchen.

**

(imagine-in nyo in korean sila naguusap. Yung magkapatid lang naman. Hahahaha.)

"Unnie~ samahan mo ako mamaya sa mall ah?" Lumingon ako sakanya. Tatango na sana ako nang biglang nagsalita si Yale.

"Yah! Anong sayo? Sakin siya sasama. Diba, Sab? Sasamahan mo ako sa spa ngayon?" napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Yah! Ako ang nauna kaya sakin siya sasama." Sabat naman ni Camille sakanya.

Lumapit siya sa kapatid niya at binatukan. "Did you just 'yah' me?! Yah! Bakit ka informal magsalita sakin? Hah? 'Tong batang 'to. Aish!" at nagaway nanaman silang dalawa.

Napabuntong hininga nalang ako habang tinitingnan silang dalawa. Malaki din ang pasasalamat ko sakanila dahil hindi ako masyado nadepress or nalungkot. Namimiss ko na tuloy si oppa at Angel.

Naramdaman kong may umakbay sakin. "Oi." Tawag niya. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Oppa~!" Sigaw ni Camille. "Si unnie oh! Ayaw akong tigilan. Arghhhhh!!!" tumili siya kasi mas lalo siyang kiniliti ni Yale. Ngumiti lang ako at pumunta sa may ref at uminom ng tubig.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon