[44] Vacation

145 2 0
                                    

Chapter 44

Sunday, October 28, 20--



Sab's POV

It's already 11:30 in the midnight and i'm damn sleepy. Hinila ko palabas ng bahay yung luggage ko.

"What the eff is that look, Sab?" sabi ni Chinna sakin habang natatawa. Ano bang itsura ko?!

Nakacrop top na shirt at naka pajama. Tapos may neck pillow sa leeg ko (malamang) at nakamessy bun ako na parang pilit lang. At pumipikit pikit ang mga mata.

"What the hell is wrong about my face, huh? Huh?!" sabi ko sabay tinitigan siya ng masama.

Inaantok na talaga ako. Gusto ko ng pumasok sa sasakyan at matulog!! Biglang may nagflash sa harapan ko. Narinig ko ang mga tawa nila.

"ARGH!! CHINNAAAAAA! GIVE ME THAT PHONE!" Sabi ko habang inaagaw sakanya yung phone niya.

"No! Hahahahahaha!" sabi niya at iniwawagayway pa yung picture ko. "Tamang tama! Pang black mail."

"I hate you." I say.

"I love you!!! Mwaaaaaah." sabi nya at yinakap ako at hinalikan ako sa pisngi.

Pinilit kong alisin siya sa katawan ko at nababanas pa ako sakanya. "Get off of me!!!"

Argh! Naiinis na talaga ako. Ayoko na ngang sumama sakanila! I'm pissed off.

"Ayoko na! Hindi nako sasama!" sabi ko at tumalikod na sakanila habang hila hila yung luggage ko.

Bigla bigla naman kasi silang nagp-plano na mag outing daw kami. Yeah, kaming anim and yung iba naming friends, para naman daw mabawasan ang stress sa katawan namin. And it's okay since sem break naman namin.

It's been a month since Aes' birthday, at pumasok narin kami. And there, we earned some friends, naging mas close namin yung kasama namin nung practicum. At buong barkada na kami ngayon. Ang bilis lang ng panahon. Pero ang kasama lang namin ay sila Angel, Eka at Vix.

I thought, tomorrow pa ang alis namin papuntang Baler, kaya natulog na ako. Biglang bumulabog yung dalawa sa kwarto ko at alam nyo na ang nangyari. Nakakaasar lang. Gusto ko lang manapak. -__-

"Sab? San ka pupunta?" lumingon ako at nakita ko si Aes na kakarating lang. Biglang sumipol yung mga kasama ko.

"Ooopps. Magsipagsakayan na kayo! It's their time to shine!" sabi ni Angel. Umamba lang ako sakanya na sasapakin ko siya pero binelatan niya lang ako.

Pumasok ako at dumiretso sa living room namin at umupo ako sa sofa at pumikit.

"Hey." Tawag ni Aes sakin.

"Hmmm?"

"Bat ka nandito? Sa loob?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko.

"I'm sleepy... and"

"And, what?" dumilat ako tumingin sakanya.

"And.. i'm pissed off." Hinawakan niya yung kamay ko to calm me. And it works, really.

"Ayoko pa naman yung ganto. Kakagising ko lang tapos aasarin pa nila ako." Sabi ko at nagpout. Nakakaasar naman kasi talaga. Narinig ko siyang tumawa.

"Why are you laughing?"

"No. Para ka kasing batang nagsusumbong sa tatay niya." Napangiti naman ako sakanya.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon