Chapter 49
Chinna's Point of View
Binaba ko yung phone ko at napasapo nalang sa noo ko. Tiningnan ko silang lahat at tumigil ang tingin ko kay Lance. Blanko lang ang expression niya. Huminga lang ako ng malalim.
"Tita, tito. Ano na pong gagawin natin? Baka mapano po si Sab, tita." Kinakabahan na sabi ko sakanya. Kilala namin si Sab. Kahit sobrang masiyahin at mukhang anghel siya, may mga nagagawang hindi yan maganda.
Tumingin ako kay Yannie na pinapatahan ni Lee. Ang sakit daw kasi ng nga sinabi ni Sab sakanya. Ni ako nga nagulat kasi wala akong kaalam alam.
"Anong gagawin natin?" naiiyak na tanong ni tita kay tito. "Hindi ko alam. Hindi ko alam na hindi ko pala anak si Sab. Totoo ba yun? Di ko ba talaga siya-" biglang humagulgol ng iyak si tita. Yinakap lang siya ni tito at pilit na pinapatahan. Biglang tumayo si Lance at lumabas.
Tumingin ako kay Lee, tinanguan niya lang ako. Hinawakan ko lang ang balikat niya at ngumiti. Kinuwa ko yung phone ko at sinundan si Lance sa labas.
"Hubby.." mahinang tawag ko sakanya. Nakatitig kasi siya sa mga halaman sa garden nila Sab. "Are you oka-"
"Sila lang pala. Di ko alam na ang lapit lapit na pala ng matagal ko ng hinihintay na sagot." Huminga siya ng malalim. "Hindi ko alam. I don't know what to feel. Should i be happy or should i be sad because they lost one of their child because of me?" lumapit ako sakanya at tinitigan siya. Bigla siyang ngumiti.
"Hubby-" biglang siyang humarap sakin.
"Di ko alam kung matutuwa ba ako, malulungkot, maiiyak, hindi ko alam. Wala akong nararamdaman." Tumitig ako sa mga mata niya. Walang expression, cold. Hinawakan ko yung kamay niya para medyo pakalmahin siya. Napapikit siya. Nalungkot lang ako sa mga nangyari. Nalulungkot ako para kay Sab.
Kailangan naming mahanap siya. Baka kung anong mga gawin niya. Once is enough. Ayaw na naming maulit ulit yung mangyari dati. She's so broken back then.
Dumilat siya at tumingin sakin. Nagulat ako kasi nagbalik yung mga expression niya sa mata. Yung matang pano ako tinitingnan, yung pano ako tinitingnan tuwing kinukulit ko siya, tuwing sinasabihan ko siya ng..
"I love you." Hinila niya ako at yinakap ng mahigpit. Hindi ko alam pero parang magic nung hinawakan ko yung kamay niya biglang bumalik yung Lance. Yung Lance na kilala ko.
"Chinna." Bulong niya sakin. Mas hinigpitan niya yung yakap niya sakin. Narining ko siyang suminghot. "I'm sorry." Biglang nabasag yung boses niya.
"L-lance. Are you crying?" naguguluhan na tanong ko sakanya. Yumakap lang siya sakin at umiling.
"Because of me, your bestfriend just lost her family. I'm sorry." Hindi ko alam pero bigla narinig ko nalang yung pagiyak niya. Ngayon lang umiyak si Lance sakin. And it's tearing my heart into pieces. Ayokong nahihirapan siya ng ganto. Di ko alam pero bigla nalang din akong naiyak sa mga nangyari. Naawa ako kay Sab, kay Lance.
Pinunasan ko yung mata ko habang hinihimas yung likod niya. "It's not your fault, Lance." Feeling ko tuloy napakaspecial ko sakanya dahil sakin lang umiyak. At nakakagulat na, umiiyak pala ang Lance Sy.
I was so shocked na si Tito Luke pala ang kumupkop kay Lance. That's why kaya pala Sy. Bakit hindi ko napansin yun?
"Shit. I don't want you to see my face. I look like a frog." Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Frog prince?" dugtong ko sakanya. Humiwalay siya sa yakap at hinawakan yung kamay ko.
"Yah. Don't look at me like that." Sabi niya sabay pitik sa noo ko. Ngumisi lang ako sakanya at ginulo ang buhok niya. "Please, don't let go of my hand. Wag mo kong iiwan, hah?" medyo natawa ako sakanya, para kasi siyang bata.
BINABASA MO ANG
Ruthless Game
RomansaLove is really sacrifice. Sacrificing your love and your happiness just to see him/her happy, okay na sayo yun. Letting go, it's really hard but you have to, pero ano naman ba ang magagawa mo? Wala, diba? April 2013~ ♥ (c) hunniemirixx, Miri P.