[48] Can't be

127 2 0
                                    

Play niyo po Don't Love Me ni Hyolyn. Para may feels~

Chapter 48

Sab's Point of View

"Anak..." Narinig kong sabi ni mommy. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong yinayakap ni mommy si Lance.

Hinawakan ako ni Yannie sa braso. Tumingin ako sakanya, nakatingin ng malungkot sakin si Yannie.

"Mom? Dad? Ano pong meron? Tito Luke? Ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko sakanila.

"Shit! Sab, umakyat ka na sa kwarto mo." Sabi ni kuya at sinimulan niyang hilain yung maleta ko papasok ng bahay.

Humarap ako kay daddy. "Daddy?" huminga lang siya ng malalim at lumapit sakin. "Dad?" ulit ko pa ulit. Tiningnan ko si Yannie na nakayuko, nakayukom naman ang mga kamay ni oppa at nakatingin lang si Chinna sakin.

"Patawad, anak. Patawad kung inabandona man kita dati. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko 'non dahil bata pa ako nun. Pero ngayon, nagsisisi na talaga ako. Patawarin mo sana ako." Humagulgol si mommy at yinakap pa lalo si Lance. Blanko lang ang expression niya.

"Mommy-" pinutol niya ako.

"Sab, Lee. Siya si Lance, ang matagal ko ng hinahanap. Ang kapatid nyo." tumahimik ang lahat. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko inaasahan na ang hinahanap lang pala niya ay nasa tabi lang namin, kasama lang namin. Hindi ko namalayan na nandito lang pala ang kapatid ko. Kaya pala magaan ang pakiramdam ko sakanya.

Ngumiti lang ako sakanila. Pero, masakit sa loob ko. Kasi, siya ang dahilan kung bakit muntik ng masira ang pamilya namin. Dahil sa kakahanap sakanya, muntik na kaming mawatak. Ang siya din ang dahilan, kung bakit hindi ko maramdaman ang pagmamahal ng sarili kong ina saakin.

"Masaya na kayo? Na nakita nyo na ang anak mong inibandona mo?" biglang sumigaw si Tito Luke.

"Dad? What is this all about?" biglang salita ni Lance. Nagulat kaming lahat. Dad? Ibig sabihin? Si tito ang kumupkop sakanya at tinago niya ito.

"Dad?!" narinig kong sabi ni Chinna.

"Wala kang alam, kuya." Sabi ni mommy at umiyak nanaman siya.

"Marami akong alam, Dana." naging seryoso ang boses ni tito.

"Anong ibig mong sabihin?" nanginginig at kinakabahan na tanong ni mommy.

"Wag mong sabihing?" biglang ngumisi si tito at tumawa. "Alam nilang lahat, pero ang kaisa isa at pinakamamahal mong anak, hindi niya alam?" tunawa ulit siya. Naguluhan ako sa nangyayari ngyon. Panong alam nilang lahat?

"H-hindi kita maintindihan." Sagot ni mommy sakanya.

"Wag ka ng magmaang mangan pa, Dana. Alam naman nating lahat na, hindi mo tunay na anak si Sab!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gulong gulo ang utak ko sa mga nangyayari. Tinitigan ko lang sila at si Chinna lang ang nagulat.

All of a sudden, biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ko namalayan umiiyak pala ako.

"Mommy? Anong ibig sabihin niyo?" nanginginig na tanong ko sakanya.

"Hindi yan totoo! Nagsisinungaling ka, kuya!" Sigaw niya at umiyak nanaman siyang.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Lahat pala ng efforts ko, lahat ginawa ko parang maging mabuti na anak sakanila mauuwi lang pala sa wala.

"Mommy? Totoo ba?!" galit na sigaw ko sakanya. Tumingin ako kila kuya, kila Yannie. "Kayo?! Bat hindi nyo man lang sinabi sakin? Alam nyo na pala. Para lang pala akong tanga dito na pinaglalaruan nyo. Bakit oppa? Yannie?" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon