[38] Trouble

159 5 0
                                    

Waaaah! So this chapter is dedicated to Ate L~ =^3^= Chinna's OP! Dahil, birthday niya kahapon! Dec. 5, 2013. Kantahan natin siya, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY, HAPY BIRTHDAY TO YOU ^_______^

Yeyyy! Ate L~ Blow the candles! Kyaaah! Nababaliw nanaman ako XD 

P.S. Di ko alam kung matatawag ko bang Climaz ang magiging climax nito, waaah! T_____T So, enjoy nalang. <3 

HAPPY 3,OOOK READS! OMG THANK YOU SO MUCH <3

Chapter 38

Sab's Point of View

Nandito parin ako sa garden, nakatingin sa malayo, tulala.

Nakakainis lang kasi, di ko alam kung bakit nagseselos ako. Alam ko namang may 'Lance' na nakalagay dun eh pero, hindi ko maiwasan. Dahil, dahil. Mahal ko na talaga siya. Natatakot lang ako na baka mawala siya sakin, katulad kay Marc. Di ko kakayanin kung mangyari pa ulit 'yon.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Sigh. Hindi ako makatulog. Kakaisip sa nangyari samin ni Aes, at yung kila mommy.

Bumabalik nanaman yung mga alaalang matagal ko ng kinalimutan.

Nung mga panahon na yon, laging nagaaway si mommy at daddy. Hindi ko alam kung bakit sila nagtatalo, basta ang tanging buka ng bibig ni mommy ay, "Hanapin mo siya, hanapin mo siya." ayun lagi ang naririnig namin ni oppa.

Tapos iiyak na siya kay daddy. Wala namang magawa si daddy kundi ang patahanin siya. Minsan naman ay hindi umuwi si mommy ng isang linggo, dalawa, hanggang sa naging isang buwan. Nag-alala kami ng sobra ni oppa sakanya.

Nung pagkadating niya dito sa bahay, walang expression yung mukha niya. Sa t'wing yayakapin namin siya, iiwas siya at sasabihing, "Pagod ako."

Then days passed, iba yung pakikitungo niya samin. Cold, halatang napipilitan. Ayun, ayun lagi ang pinapakita niya samin.

Minsan sinisisi niya ako. Pero hindi ko alam kung bakit. Wala akong alam. Naiiyak nalang ako sa mga pinagsasabi niya sakin. Pero ang laging sinasabi sakin ni daddy na hayaan nalang daw si mommy. Ang sabi niya pa, sanhi din daw yun ng pagiging matanda niya,

Pero hindi ako naniniwala. Alam kong may ibang rason padin. Alam ko. Nalulungkot ako, dahil baka bumalik nanaman sa dati. 

Nag-flashback sakin yung sinabi ni oppa sakin.

Baka,

Baka ako yun? Ako yung tinutukay niya sa kwento niya.

Posible?

Napatawa nalang ako sa iniisip ko.

Imposible.

Matutulog na ako ng makarinig ako ng sigawan sa labas.

Lumabas ako at sinundan ang ingay na naririnig ko. Tumigil ako sa kwarto nila mommy at daddy. Binuksan ko ng kaunti yung pinto,

Nagtatalo nanaman sila. Napabuntong hininga ako.

Aalis na sana ako ng may marinig ako. "--ako natatakot kay Luke, Tristan." nagulat ako sa sinabi ni mommy? Huh? Bakit? Anong ginawa sakanya ni tito Luke?

Papasok na sana ako ng may humila sakin. Nagulat ako, si oppa nakatingin ng seryoso sakin. "O-oppa? What's w-wrong?" tanong na na may halong kaba. Kinakabahan ako sakanya.

Nandito nanaman kami sa Garden, dito niya ako dinala. Tiningnan ko si kuya na sinapo ang kamay sa noo niya.

"Oppa, anong nangyar--" nagulat ako nung tinabig niya yung kamay ko. Nagulat ako sa ginawa niya, at naiiyak ako.

Ruthless GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon