Part 3: Phone call

5.7K 154 5
                                    

"Mary!"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Nilingunan ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Napa busangot naman ako nang makita si Jana na tawa ng tawa. Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan.

"Nako Jana. 'wag mo nga akong ginugulat! Alam mo namang magugulatin ako eh" ani ko dito

Tumigil naman ito sa kakatawa pero hindi nawala ang malaking ngisi nito sa kanyang labi.

"Naka tulala ka diyan! Iniisip mo siguro yung si.. sino ba yun? si Saint? haha. Ano nahulog ka na ba? Sabi sayo dapat dati ka pa sumabay sa'kin umalis ng kumbento" aniya

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito. Siya si Jana, kasabayan kong pumasok ng kumbento. But we're different. She quitted on her first week in the convent. Hindi na daw niya kasi kayang mag paka bait-baitan sa kumbento. She even convinced me to come with her but I refused. I want to persue my dream.

"Iniisip ko lang naman kung ano na ang kalagayan niya. Wag mong bigyan ng malisya iyon Jana" sabi ko dito pero pinag tawanan lamang ako nito

"Naku nako Mary. Mamaya nahuhulog na pala ang loob mo sakanya ha. You never know, love is tricky"

Lalo naman akong napa busangot "Pwede ba Jana, kung wala kang magandang sasabihin umalis ka nalang"

"Hala! iba ata ito" sabi nito na nakapag pataka naman sakin "Pinapaalis ako ng isang madre? I thought they're all friendly?"

"Yes we are. Pero hindi sa isang taong walang ginawa kundi impliwensyahan ng masama ang mga tao"

"Nag sasabi lang ako ng opinyon Mary. What if nahulog na ang loob mo?"

"It's not going to happen. The man I'll only love is God. Only him"

Umikot naman ang mata nito "Oo na! masyado ka namang banal, ay oo nga pala.." May kinuha siya sakanyang bag, isa iyong invitation card "Birthday ng panganay ko next month. Gusto ko dumalo ka, ngayon ko na binigay dahil wala na akong oras bumisita next time"

Kinuha ko naman ang invitation card na iyon. Napangiti nalamang ako. All my friend already have a family, ako nalang wala. Pero kahit ganun ay masaya pa din naman ako. right?

"Oo naman. Ilang taon na ba siya?" tanong ko naman dito

"5 years old na siya" sagot naman nito. Tumango naman ako.

"Are you happy in the convent?" bigla nitong tanong.

Bigla naman akong napaisip sa tanong nito.. "Oo naman. Masaya dito"

"Masaya nga dito, pero ikaw ba nag sasaya?" muli nitong tanong. This time ay napa tingin na ako sakanya

"O-oo naman. Sabi ko naman na sayo dati na matagal ko na itong gusto" sagot ko

She held my hand and sighed.

"Mary, you don't have to do everything to please people. Oo pangarap mo 'to. Pero habang tumatagal sa nakikita ko sayo? I can say that you are having second thoughts."

Bigla naman akong napaluha sa sinabi nito. I felt Jana's warm embrace. Oo aaminin ko. Nag dadalawang isip ako kung itutuloy ko paba ang pagiging madre. I don't know if it's because of love. Pero dahil simula nang dumating si Saint? I just can't get him out of my head. Is this one of my challenges God?

"Iiyak mo lang yan Mary, just let it out"

I wiped away my tears with the back of my hand "N-nalilito na ako Jana, I-I'm scared"

"Don't be. Remember, God is always with us right? Alam kong malalaman mo din kung ano ang gusto mo"

I kept on crying. Ngayon lang ako umiyak ng ganito sa buong buhay ko. I'm really confused. P-pero ito ang gusto ko diba?

"But do I really have to choose between Faith and Fate?" I asked her

"You don't have to choose Mary. You can still serve God with your partner. Tignan mo ako, kahit may pamilya na ako hindi naman ako humiwalay kay God diba?"

Tumango nalamang ako. I'm confused. So confused. Kahit saglit ko pa lamang nakakasama si Saint, alam ko sa sarili ko na malaki ang epekto nito sa'kin.



I kept on crying and crying till we heard someone cried out my name. Agad naman akong napaayos ng upo at pinunasan ang luha ko.

It was Sister Christine.

"Sister Mary, there's a phone call for you" anito

Kumunot ang noo ko sa pag tataka "S-sino po?"

Sister Christine smiled "It was from Saint"



Habang nag lalakad ay hindi ko mapigilang kabahan. P-pero sandali, bakit naman ako kakabahan? It's just Saint. Yeah. Saint. Na kahit pangalan palamang ay sobrang lakas na ng impact saakin.

Binuksan ni Sister Christine ang pintuan sa opisina si Sister Rebecca, nag pasalamat ako dito bago siya umalis.

"Oh, here she is" saad ni Sister Rebecca at iniabot ang telepono saakin. Nanginginig ko iyong kinuha.

"H-Hello?"

"Hi Mary. I miss you" sabi nito sa nag pagulat naman sa'kin.

"Ano bang sinasabi mo? M-may I miss you ka pang nalalaman" masungit ko na sabi

I heard him chuckle on the other line. I can sense him smirking "May masama ba duon Sister?"

"Oo naman! Madre ako noh"

"Eh ano naman kung madre ka? Is it bad to miss a nun?" He said matter-of-factly

"Bakit ka ba kasi napatawag? Is there something you wish to tell me?" I asked awkwardly

"I just want to tell you how I miss you"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon