Part 16: Family

3.8K 94 1
                                    

A/N: Please play the song sa media box, thank you! Unang Hakbang by Quest ft. Keiko Necesario










"A-nak.. hindi ko maintindihan. Hindi pwede ito anak. Hindi" sunod sunod na sabi ni Mama

Hinawakan ko ang ngayong nanginginig na mga kamay ni Mama, I held it tightly "Ma, Alam ko na kung ano ang gusto ko. I want to have a family of my own. At ang pag alis sa kumbento ang unang hakbang upang matupad ko iyon—"

"Hindi! Mali ito anak! Hindi kita pinalaki ng ganito! Magiging madre ka anak! Yaan ang plano namin saiyo ng Papa mo!" singhal nito saakin

"Ma, please makinig ka naman"

"Nahihibang ka na anak! At paano mo nakilala ang lalaking ito? Ha? May karelasyon ka sa loob ng kumbento? Makasalanan ka Mary! Nakakahiya ka!" aniya bago ako nakatanggap ng isang sampal sakanya. Maagap naman si Saint at agad na akong inalalayan.

"M-ma.. Ito ang gusto ko. Sinunod ko lang kung ano ang itinitibok ng puso ko" sabi ko dito at dahan dahang lumapit kay Mama ngunit lumalayo ito saakin. Tuluyan namang tumulo ang mga luha ko

"Anak, hindi kita pinalaki ng ganito. Bata ka palamang ay ito na ang gusto namin para saiyo, At ikaw din! Alam kong gusto mo iyon, pero dumating lang ang lalaking yan?" dinuro duro nito si Saint "Nahulog ka agad? sumabit ka agad?"

"Ma, bakit ba hindi ninyo nalang ako tanggapin? Wala namang mag babago saakin. A-ako pa din si Mary na kilala ninyo, na anak ninyo"

Lumapit saamin si Saint at hinawakan nito ang kamay ko. "Mrs. Sandoval, naiintindihan ko po ang pagka dismaya ninyo sa piniling desisyon ng anak ninyo, but don't you want your daughter to be happy? She is still your daughter, the one you carried inside your womb for nine months, the woman that I love" ani Saint.

Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata ni Mama at unti unti itong lumuha. She wiped her tears away using the back of her hand.

"Gusto ko lang naman matupad mo ang pangarap na gusto ng mga lola't loo mo noon para saakin"

"M..Mama"

Inalis nito ang tingin saakin at bumaling kay Saint "Mahal mo ba talaga ang anak ko iho?" tanong nito kay Saint

Umayos ng tayo si Saint "Opo! Mahal na mahal ko po ang anak ninyo" Nakakunot noo pa nitong sabi.

"Mukhang wala na akong magagawa, kundi suportahan ang relasyon ninyong dalawa" buntong hininga ni Mama

Bahagya namang kumunot ang noo ko, naguguluhan sa sinabi ni Mama "A-ano pong ibig ninyong sabihin Mama?" tanong ko

"T..Tinatanggap ko na ang desisyon mo anak. Malaki ka na, at sigurado akong alam mo na ang ginagawa mo. Tama ang nobyo mo, anak kita at dapat suportahan kita sa mga bagay na makapag papasaya saiyo" lintanya naman ni Mama

Tuwang tuwa ako sa sinabi nito saakin at dali daling yumakap kay Mama at niyakap ito ng mahigpit. Yumakap naman pabalik si Mama, "Thank you Mama, thank you. Sobrang saya ko po" paulit ulit na sabi ko

Marahang hinaplos ni Mama ang buhok ko, "Masaya din ako para saiyo anak. Nakahanap ka ng taong mahal na mahal ka" aniya at bahagya naman akong natawa.

Bumitaw na kami sa pagkakaakap, hinawakan ni Mama ang mukha ko gamit ang pareho nitong kamay. "Yan, mas maganda ka kapag nakangiti. Tigilan na natin itong drama! Hindi ako sanay" dagdag pa nito at natawa kami pareho. Hinaplos nito ang pisngi ko kung saan niya ako nasampal. "Masakit pa ba? Sorry anak"

"Hindi naman po. Ayos lang iyon Mama, atleast tanggap mo na kami ni Saint"

"Oo! Halika't pumasok na tayo sa loob, pag chichismisan nanaman tayo niyaan" sabi ni Mama at pumasok na sa loob ng bahay. Nakahinga naman na ako ng maluwag.

Sa wakas ay nakausap at nailabas ko na din ang tunay kong nararamdaman. Wala na akong itatago pa.

Aakmang papasok na sana nang naramdaman kong may biglang kamay na pumalupot sa bewang ko. Nakalimutan ko, nandito na pala si Saint

Isiniksik nito ang mukha sa leeg ko "So.. pinakilala mo na akong boyfriend mo. Ano? ikaw na nagsabi, Official na tayo, wala nang bawian pa Ms. Sandoval"

Natawa naman ako "Oo na, wala naman akong choice" biro ko

Kumunot naman ang noo nito at ngumuso "Meron kang choice, make me yours or I'll make you mine?"

"Puro ka kalokohan" sabi ko at umikot upang maharap ko siya. Tumingkayad ako upang mahalikan ito sa labi. "Kaya mahal kita eh" dagdag ko pa

***
Hehe

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon