Part 19: Torn

3.9K 99 4
                                    

Nandito kami ngayon ni John sa Mall. nagyaya itong mag libot, and I decided to treat him with toys. Nandito kami ngayon sa Kids section at nag titingin ng laruan.

"Mama I like this one" turo ni John sa isang lego blocks.

Tumango naman ako at kinuha iyon, nang may nabangga ako na babae. "Omy, I'm so sorry"

"It's okay" sabi naman nito at nag lakad na paalis. Tinignan ko kung saan ito papunta, sa baby's section.

"Mama!" tawag ni John na ngayo'y hinihila ang laylayan ng dress ko, tinaasan ko ito ng kilay "Yes baby?"

"I want that po" tinuro nito ang isang blue na teddy bear. Mura lamang ito kaya binili ko na.

"Anything else?" I asked bago kami pumunta ng cashier. Umiling ito bilang sagot. "Let's go"

Hinawakan ko ang kamay ko at pumunta sa cashier at pumila. Hindi ko naman mapigilan hindi mapansin ang dalawang magkasama na sa tingin ko ay mag asawa. Ang sweet nila sa isa't isa kaya napa ngiti ako.

Napansin ko naman ang likod ng lalaki. Napakunot ang noo ko, parang pamilyar ang lalaking ito ha.

"3,200.75 po lahat" sabi nung babae

Iniabot naman ng lalaki ang kanyang credit card, nang matapos ang babae ay ibinalik niya ito sa lalaki. Kinuha na niya ang mga paper bag at nag lakad paalis.

T..teka

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang lalaking iyon. Biglang nanikip ang dibdib ko at unti unting nanlalabo ang paningin ko dahil sa nag babadyang luha.

"Papa!" tawag naman ni John. bigla ditong napalingon ang dalawa.

Nag katama ang paningin namin ni Saint, nakita ko ang gulat sa itsura nito. Tinignan ko naman ang babae, s-siya yung nakabunggo ko kanina. Ibig sabihin ba nito may anak na sila?

"Tinatawag ba niya ang fiancé ko?" tanong nung babae

Hinatak ko naman pabalik saakin si John at napa yuko. "Pasensya na po, k-kamukha po kasi ng fiancé niyo ang tatay ng anak ko" paliwanag ko. at talagang diniinan ang salitang fiancé

Nakita ko ang pagtaas ng tingin ni John saakin "Huh? pero Mama—"

"Anak, namamalik mata ka lang. Hindi natin siya kilala" sabi ko dito

"Okay po Mama"

"Hon halika na, tignan na natin yung result ng ultrasound" sabi nung babae kay Saint.

Pilit kong hindi sila pansinin at nag bigay atensyon sa pag babayad ng laruan ng anak ko. So lahat pala ng ipinakikita niya ay purong kasinungalingan lamang? Pinaasa niya ako. At ang sakit nun.

"A..anak? halika na, kain tayo. G..gusto mo ba ng i..icecream huh?"

"Mama okay lang po kayo? Nanginginig po kayo eh" sabi naman ni John

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko "G..Gutom na kasi si Mama anak. T..tara na?"




Mag aalas otso na ng gabi nang nakauwi kami. Sinadya ko iyon dahil ayaw ko munang umuwi. Nanuod kami ng cartoons sa sinehan.

Binayaran ko muna ang taxi bago kami bumaba. Naparami din ang bilihin namin dahil sa mga damit ni John. Mga pantulog lamang iyon dahil nauubusan na siya ng damit.

Nang makapasok sa unit ni Saint ay nakita ko siya duon sa sofa nakaupo. Agad itong napa tayo nang makita kami. Tumakbo si John sakanya at niyakap siya.

"Papa! bumili po kami toys at damit" kwento naman ni John. Alam kong naka tingin siya saakin ngayon pero hindi ko ito binabalingan.

"John mag hilamos ka muna, tara na sa kwarto mo" sabi ko at agad na sinamahan si John sa kwarto niya.


Habang nag hihilamos si John mag isa dahil kaya naman na niya at big boy na siya, ay hinahanda ko ang pamalit niya na pjs; nang biglang pumasok sa kwarto si Saint.

"B..babe, I'm sorry" akmang hahawakan ako nito pero lumayo ako. "L..Let me explain please babe"

Hinarap ko ito "Bakit ka nag sinungaling saakin? Mahal mo ako? Ganun ka ba mag mahal?" naluluha kong sabi dito

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"P..pasensya na. L..let me explain please" aniya at dahan dahang lumapit saakin pero sinampal ko ito.

"I hate you! Manloloko ka! Sinungaling! You made me believe your lies!"

"Totoong mahal kita Mary—"

"Hindi pa ba ako sapat? Kailangan bang dalawa Saint?" I asked him ngunit umiling ito.

"Then why? Bakit kailangan mo pa akong saktan?"

"Siya ang nauna Mary.."

"So ano ako ngayon? Kabit? Ako pa? Ako pa na walang kaalam alam. Ako pa na inosente. Ako pa ang may kasalanan. I believed in you Saint. Pinaniwalaan ko lahat ng sinasabi mo. Naniwala ako sa mga I love you mo. Pero kasinungalingan lang pala yun. Dapat kitang palakpakan dahil sa galing mong umakto, because I believed. But you lied. And it hurts!"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon