Epilogue

6.8K 157 12
                                    

Thank you po sa pagbabasa! Hanggang dito nalang po ang storyang ito.

6 years later

"Mama look! I have a star! Sabi ni teacher I'm so talino daw!" ani Tilly habang patakbo saakin.

Matilda or Tilly as we call her is now on her kindergarten, 5 years old. Si John naman ay grade 6 na, 13 years old. Pareho silang nag aaral sa Brent International School, Saint always wants the best for them kaya binibigay niya lahat ng the best.

"Very good Tilly! I'm sure proud ang Papa mo niyan sayo. You're a very good girl" puri ko dito at hinalikan ang tungki ng ilong nito. She have his father's facial features, as in everything at mas close pa sila ni Saint kaysa saakin.

"Pumunta ka kay Ate Andy, Tilly. Meron duong baked red velvet cookies, that's your favorite right?"

"Uhumm!"

Tumakbo na ito papunta sa kusina kung nasaan si Andy. Sunod ko naman pinuntahan ang panganay ko. At age 13 may height na ito na 5'6 1/2 at mas matangkad na saakin dahil 5'6 lamang ako. Sa tingin ko ay magiging katangkad nito ang kanyang ama na 6'3, bakit kaya masyado silang biniyayaan ng height?

"What's up big boy?" sabi ko dito at natawa naman siya saakin.

"Mom, you're funny when you say that. Hindi bagay sayo" aniya

"Ganun? akala ko bagay. Diba yan ang uso sa inyong millenials? Petmalu, Lodi, Werpa, ganun?" sabi ko dito.

Sa panahon kasi ngayon kailangan ko na silang sabayan. Ayoko namang matawag na 'old' dahil hindi ko alam ang mga bagay na iyon.

Natawa naman ito ng malakas. "Ma! Stop it okay? Hindi mo naman kailangan maki bagay eh. I love the way you are Mama, okay?" he said and kissed me on the cheek.

"Oo na, kamusta pala ang laban ninyo?" I asked

Si John ay na involve sa mga bulprisa ng school. Siya ang representative ng school pagdating sa Chess. Nahiligan niya ito nang tumung tung ito ng grade 5 and since then hindi na niya ito natigilan.

"I won Ma! Nakakuha ako ng Gold! Galing ko diba? Whole package talaga ako Ma, ang swerte ng makaka kuha saakin. Matalino, Magaling sa Chess, at higit sa lahat.." pinadaanan nito ang kanyang buhok gamit ang kamay at kumindat "Gwapo"

Natawa naman ako at mahinang hinampas siya sa braso. "Sige na, samahan mo ang kapatid mo kainin ang cookies, baka mamaya sumakit nanaman ang tiyan nun" utos ko

"Okay, pero gising na ba si Greene?" he asked

"Hindi pa, at wag mo siya gigisingin! Iinisin mo nanaman ang kapatid mo. Lagi mo nalang pinapaiyak"

"What? I don't!"

"Tumigil ka, sige na samahan mo na ang kapatid mo" sabi ko na agad naman nitong sinunod.

Green is my new baby. He's 10 months old and a big baby. Mas malaki daw ito kumpara sa ibang baby na maganda naman dahil malusog ito.

Sinalubong ko naman ang asawa ko. He's now a family man but nothing has changed in him. Mas lalo lang naman itong gumwapo at naging sweet. Papasok pa lamang ito ng pinto at niluluwagan ang kanyang neck tie.

"Hi Honey! I miss you" lapit ko dito

Ngumuso naman ito na nag papahiwatig na halikan ko siya sa labi na ginawa ko naman.

"How was your day?" I asked at kinuha ang kanyang tsinelas.

"So tiring, sunud sunod ang meeting" aniya at umupo sa sofa. Hinubad ko ang sapatos niya at sinuot sakanya ang tsinelas bago tumabi sakanya.

"Wag mo pinapagod ang sarili okay? kung pwede ay ipagpa bukas mo nalang ang ibang trabaho okay?"

"Yes po Honey" aniya at hinalikan ako sa labi

"Gawa tayo ulit baby?"

"Kakaanak ko lang Honey"

"Just two more babies, please?"

"When Greene turns two"

"Okay, when Green turns two"

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon