Part 2: Dreams

6.2K 146 3
                                    

"Saint, nandito ka ulit" ani ko nang makitang nandito nanaman siya sa bahay ampunan

Ilang linggo na simula nuong dumating ito, at palagi na itong bumibisita. Nag tataka nga din si Sister Rebeca dahil sa isang taon, isang beses lang ito bumibisita dahil sa sobrang busy sa Trabaho nito dahil may sarili pala itong kumpanya.

"Gusto lang kitang bisitahin at yung mga bata" aniya

Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko kaya't napa tungo ako't palihim na napangiti sa kadahilanang gusto niya ako makita

I heard him laugh "Yiee, kinikilig. Sister bawal yan, baka mamaya ma-fall ka sa'kin at mag quit sa kumbento" anito

Natauhan naman ako sa sinabi nito. Hindi. Hinding hindi ako aalis sa kumbento, I want to fulfill my dreams.

"H-hindi ako kinikilig. Tsaka yung mga bata pala nag lalaro dahil playtime nila't mag meryenda sila mamaya" sabi ko

Tumango ito "Pwede mo ba akong samahan sakanila?"

"Oo, tara na. Hindi mo ba ipapasok yung kotse mo?" tanong ko dito

Umiling ito "Hindi na, saglit lang naman ako, Mag papaalam lang ako kay Sister Rebeca at makikipag kulitan sa mga bata" sabi nito

Tumango nalamang ako't naglakad na habang siya'y sinusundan ako.

"Ano palang ipapaalam mo kay Sister?" tanong ko dito

"Aalis kasi ako. I'll be gone for a month, I need to meet my investors overseas" paliwanag nito

A part of me was sad knowing he'll be gone for a month. Oo at napalapit na din siya sa'kin dahil sa linggo linggong pag bisita. But this feeling is new to me. Ewan ko ba, ngayon ko lang ito naramdaman. B-but this couldn't be love r-right? Yes. It couldn't be



"Mga bata nandito na ang kuya Saint ninyo!" tawag ko sa mga bata. Tumigil naman sila sa pag hahabulan at nag si takbuhan papunta kay Saint.

Napa ngiti naman ako sa nakita dahil tuwang tuwa ang mga bata.

"Kuya Saint ang gwapo mo po!" ani Daisy kay Saint na ikinatawa naman ni Saint.

Binuhat niya si Daisy at hinalikan sa pisngi "Ang cute mo talaga daisy!" napahagikhik naman ang bata

Habang pinapanuod sila'y napadako ang tingin ko sa batang nasa swing. Malungkot ito at halatang kakagaling lamang sa iyak. Napakunot naman ang noo ko. Bumaling ako kay Saint "May pupuntahan lang ako" paalam ko dito. Tumango naman ito

Nag lakad ako papalapit sa bata. Nang makalapit ay lumuhod ako upang makapantay ito.

"John? bakit ka malungkot?" tanong ko dito

"I want my Mommy!" aniya habang humihikbi

Pinunasan ko ang luha nito "Don't cry John, tahan na"

Nalungkot naman ako para sa bata. Si John ang bagong bata. Last week lang siya dumating and I know he's still adjusting. Her Mother died a couple of weeks ago, And no one know where his father is. Ang mga kamag anak naman nito ay nasa ibang bansa at ayaw siyang kunin kaya napag desisyunan na dito muna siya.

"I want my mommy!" anito

Tumayo naman ako't binuhat siya. Inalo ko ito upang tumahan, humina ang iyak nito't hikbi. Isiniksik nito ang ulo sa aking balikat, Ilang minuto lamang ay narinig ko ang mabibigat nitong pag hinga, senyales na nakatulog na nga ito.

Tumawag ako ng isang care taker upang maihatid si John sa kwarto nito't makapag pahinga ng maayos.


Bumalik ako kina Saint na ngayon ay nakikipag laro sa mga bata. Napangiti naman ako. Sobrang lapit nito sa mga bata. Hindi lang gwapo, mayaman. Eh ang bait pa diba? Ang swerte nga naman ng mapapangasawa nito.

"Sister Mary laro po tayo!" pag yaya naman sa'kin ni Mario.

Umiling ako "Hindi na Mario, kayo nalang. Papanuorin ko nalang kayo—"

"Ih sige na po Sister! Tagu-taguan lang naman po Sister eh. Si Kuya Saint po ang taya" anito

Napa ngiwi naman ako. Hindi naman masamang pag bigyan ko sila diba?

"A-ah sige na nga"

Nag sitalunan naman ang mga bata sa tuwa. Maski ako ay naki tawa nalamang. Habang nakikisaya'y naramdaman ko nalang bigla ang pag kakaakbay saakin ni Saint. Laking gulat ko nalang sa ginawa nito.

"Ano? ready na ba kayo? Magbibilang na ako" anito sa mga bata

"Opo!" sabay sabay na sabi ng mga bata at kanya kanyang nag hanap ng matataguan. Habang ako dito ay naestatwa dahil sa ginawa ni Saint.

Bumaling naman si Saint sa'kin nang may malaking ngiti sa labi. "Oh ikaw Sister? handa ka na?" aniya

"A-ah i-ito na nga e-eh" nauutal kong sabi at tumalikod upang mag hanap ng pwedeng matataguan.

Napapapikit naman ako sa ginawa ko. Ano ba naman yan Mary! Bakit ka nautal? bakit ka naestatwa sa ginawa niya? B-bakit ganun nalamang kalaki ang epekto niya sa'kin? B-bakit?

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon