Part 17: Tense

3.8K 98 1
                                    

Masaya kaming kumakain ng inihain na almusal ni Mama na banana que. At habang kumakain ay tanong din naman ng tanong si Mama kay Saint. Mukha talagang kyuryoso siya kay Saint.

"May mga kapatid ka ba Saint?"

Humigop muna si Saint ng kanyang inumin bago sumagot, "I have a sister, her name is Sanya. She's currently living in London together with her family"

Tumango tango naman si Mama "Eh maitanong ko lang. May nangyari na ba sainyong dalawa?"

Nanlaki naman ang mga mata namin ni Saint sa tanong ni Mama. Halos masamid kami pareho ni Saint sa pagka bigla. Ako naman ay napatungo dahil sa sobrang hiya sa tanong ni Mama. Ano ba naman yan.

"N-nako wala pa po!" sabi ni Saint

Naningkit naman ang mga mata ni Mama at sinusuring mabuti si Saint "Wala pa? o wala po? so may balak talaga kayo?"

Bago pa makasagot si Saint ay inunahan ko na ito "Mama wala po! S-Syempre dapat kasal muna" sabi ko naman

"Mabuti at nag kakaintidihan tayo" ani Mama



Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay biglang may dumating na bisita. It was Marco with his brother Makoy. Saglit na tumingin saakin si Marco at agad na binalingan si Saint. Nag titigan lamang ang dalawa, hindi pa sana iyon mapuputol kungdi lamang tumakbo papalapit saakin si Makoy.

"Ate Mary! namiss po kita" Agad na kumandong saakin si Makoy, hinalikan ko naman ang chubby nitong cheeks na ngayo'y namumula.

"Namiss din kita Makoy! Ang laki laki mo na ha" sabi ko dito, humagikhik naman ito.

"Magandang umaga po Tita" Naglakad papalapit si Marco kay Mama at nag bless dito. Tumingin ito saakin "Sino yang kasama mo?"

Hinawakan ko naman ang kamay ni Saint at pinagsiklop ito. "Marco siya pala si Saint, boyfriend ko"

Kumunot ang noo ni Marco "Nuong bumisita ako akala ko wala kang balak makipag relasyon?" ngisi nito

"M-marco—"

"Guess what, she just changed her mind. And now she's mine" Pag putol ni Saint saakin

Napansin ko ang pag kuyom ng kamao ni Marco, namumula na ito sa galit. "Ako ang unang minahal niya, tandaan mo yan"

"Ikaw ang una. Pero sisiguraduhin kong ako ang huli."

Saint Montenegro [UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon